JAZER'S POV
TAHIMIK akong nakatayo dito sa labas ng hotel habang nakapamulsang pinagmamasdan ang buong paligid, pasimple kong inuusisa ang bawat sulok upang masiguro na walang mga mata ang nakabantay sa bawat kilos ko. Isa 'yon sa mga pinaka ayaw ko habang nagtatrabaho. Ayaw kong may umaaligid sa akin para bantayan ang bawat kilos ko.
" I'm too old enough to have a baby sitter. "
Matapos kong makasiguro ay agad na akong nagsimula sa paglalakad. Pupuntahan ko ngayon ang bahay ampunan na nasa litrato. Gusto kong kumalap pa ng mga impormasyon na makakatulong sa akin upang matukoy ang ekstaktong lokasyon ni Ms. Hazel.
" Do you know this place? "
Tanong ko sa isang pedicab driver matapos nitong huminto sa harapan ko. Yumuko ako para ipakita rito ang litratong hawak ko. Tumango naman ito saka nag ok sign, ginaya ko lang 'yon at saka nagpasalamat bago tuluyang sumampa sa loob ng pedicab para umupo.
Nang makaupo na ay ipinagdikit ko pa ang dalawang palad saka yumuko ng bahagya bilang pagpapakita nang pasasalamat. Habang na sa biyahe ay panay rin ako sa pagkuha ng mga letrato, kinukuhanan ko ang bawat naggagandahang istraktora na madadaanan namin.
Hindi ko mapigilan ang sarili na kuhanan ng litrato ang mga naglalakihang istatwa ng buddha, may mga bata ring kumakaway sa akin habang naka ngiti, naka suot ang mga ito ng traditional attire kaya hindi ako nag dadalawang isip na kuhanan sila ng litrato. Dahil sa pagiging abala ay hindi kona namalayan na nakarating na pala kami.
" We're here! "
Masiglang sambit ng driver dahilan oara mapangiti rin ako habang nagaabot ng bayad. Pagkababa ko ng pedicab ay muli ko itong nilingon sabay tungo ng bahagya para silipin ito sa loob.
" Would you mind if I take some pictures of you? "
Nakangiting tanong ko at tumango naman ito sabay peace sigh. Matapos ko siyang kuhanan ng litrato ay nag bow ulit ako habang magka dikit ang dalawang palad. Ginawa niya rin ito bilang pagtugon sa akin bago magsalita gamit ang linggwahe nila.
" Khop Khun khrap! "
Tinugonan ko naman 'yon ng pag ngiti saka kinawayan habang sinusundan nang tingin ang pag alis nito. Nagsimula na akong maglakad paakyat sa isang malaking hagdanan na gawa sa mga bato. Habang naglalakad ay patuloy pa rin ako sa pagkuha ng mga litrato, marami kasing naggagandahang tanawin na makikita sa pag akyat pa lang rito.
Hindi pa man ako nakakarating sa mismong tapat ng gusali ay naririnig ko na ang tawanan ng mga bata. Pagkarating ko doon ay agad akong pumwesto para kuhanan sila ng mga litrato habang nakikipaglaro ng habulan. Napahinto naman ako nang mapansin sa litrato ang mukha ng isang pamilyar na babae.
" Iyesha? "
Kunot noo akong napa isip. Nagtataka man ay naglakad pa rin ako papunta sa gawi nito kung saan masaya ito sa pakikipag halubilo sa mga batang sumalubong at bumabati sa kanya. Nagtataka man ay naglakad pa rin ako palapit sa pwesto nito.
" Iyesha? "
Muling sambit ko habang nakangiti. Hindi ito kaagad tumingin sa akin, dahilan para mapansin ko ang biglaang pagkawala ng mga ngiti niya bago tuluyang nag angat nang tingin sa akin.
“ Yeah, I'm not mistaken. It's you. ”
Nakangiting sabi ko kasunod nang mga paghakbang para mas makalapit pa sa kanya. Walang imusyon naman itong nakatingin sa akin dahilan para maikunot ko ng bahagya ang noo. Palihim ko itong pinagmasdan, hindi man ito magsalita o kumilos ay kapansin pansin pa rin ang pagkakaiba nang kilos niya ngayon kaysa sa kanina.
YOU ARE READING
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬 ( UNDER REVISION )
Hành độngJAZER CALVE portrays two faces in his life, being a normal guy and a secret hitman. Jazer belongs to a society that hunts down people for a good cost. He flew to Thailand after accepting one mission that later on changes his whole plan. Jazer though...