Dahan-dahang bumangon si Celestine, sa pagkakahiga niya. Masakit pa rin ang tama ng bala sa kanya. Nabigla siyang, buhay pa siya. Pagkabangon niya nakita niya ang kanyang katawan na nakahandusay sa kalsada walang malay at patay na.
Kumawala sa kanyang mata ang hikbi at sakit. Masakit isiping wala na siya sa mundo, at ngayon ay isa na siyang kaluluwa na walang patutunguhan kung saan pupunta.
Bumalik ang paningin niya sa kanyang katawan, ito ay buhat-buhat na ng medical staff ng ambulansya. Nakita niya rin ang kanyang ina at kapatid na lalaki na ngayon ay hindi makapaniwalang wala na siya sa mundo.
Naguguilty siya sa kanyang sarili ngayon dahil hindi na niya matutulungan ang kanyang ina sa maliit nitong negosyo at masakit din isiping may taning na ang kanyang buhay. Inilihim ito ng kanyang ina sa kanila, nalaman lang niya ito ng may napulot siyang papel na naglalaman ng medical result ng kanyang ina.
" Sorry, nay at kapatid ko, di ko na kayo matutulungan at maaalagaan" iyak ng iyak si Celestine habang nakikita ang katawan na dinadala ngayon sa ER.
" Anak, huwag mo kaming ewan, lord iligtas niyo po ang anak ko" iyak ng iyak ang kanyang ina at ang kapatid na lalaki ay ganun din at inaalayan ang ina.
Lumabas ang doktor, nakita ito ng kanyang ina at kapatid at si Celestine naman ay nakikinig lang sa sasabihin ng doktor.
" Sorry, po ma'am at sir " Dead on Arrival ang anak niyo, maraming nawalang dugo sa kanya" malungkot na sabi ng doktor sa kanila bago ito umalis.
Ang nanay naman at kapatid niya, ay di nakapaniwalang wala na ang maalagang anak at kapatid.Puno ng hinagpis at lungkot ang mag-inang jesus.
Di nila alam may taong nagmamasid sa kanila sa itaas. Alam niyang wala na siyang magagawa sa kandila ng buhay ni Celestine pero may paraan pa ,ang tinatawag nilang reincarnation , yung kaluluwa ng namatay ay pwede uling mabuhay sa ibang katawan. Pero na ngangailangan ito ng maraming puntos ng nagawang kabutihan o pagtulong sa kapwa. Lucky si Celestine ay isa sa magiging re-incarnate souls na bibigyang muling mabuhay pero sa ibang katawan laman.
BINABASA MO ANG
Atleast I'm Alive
Духовная литератураI am angel on mission.... Atleast I'm alive again
