Nagising ako sa malakas na ingay ng mga palaka. Kokak-Kokak!
Maingat na bumangon si Celestine, parang bagong gising lang. Sa malambot na kotson, pero naalala niya na nasa talahiban siya.
Inamoy-amoy niya ang suot niyang puting bestida. Self-conscious siya pa rin kahit na sa ibang katawan na.
Luminga-linga siya malayo ang kilalagyan niya ngayon sa mataong lugar. Tuso ang nagbiktima sa kanya, dinala siya talaga sa walang katao-tao.
Habang naglalakad siya, iniisip niya ang dapat niyang gawin. Una, hihingi siya ng tulong mamaya sa may highway, ikalawa pupunta siya sa mga pulis para macontact ang pamilya niya.
Mahigit thirty minutes din ang nilakad niya. At ngayon nakaharap siya sa highway.
Parang susuko na siya dahil mahigit apat na oras na siyang naghihintay sa dadaan na sasakyan. Pero ika nga nila, patience is a virtue natanaw niya ang tractor na patungo sa direksyon niya. Kumaway siya sa nagdridrive, sinuklian naman siya nito. Naramdaman niyang walang panganib sa mamang ito, kaya sumabay na lang siya patungo sa kabisera ng bayan.
" Aba, hija ba't ganyan ang suot mo at may mga sugat ka pa? Anong nangyari sayo? "
" Manong pasensya ha, di ko magkwekwento lahat sayo, basta ako ay biktima ng injustices sa mundong ito.Ilang araw ako dun sa may talahiban sa may sapa, di ko alam kung mabubuhay pa ako, pero sa awa ng diyos binuhay pa ako" hagulgol ni Celestine habang nakakapit sa tractor.
Di na muling nagtanong ang mama sa kanya. Batid nito ang lungkot sa sinapit niya.
" Manong, matanong ko lang malayo pa po ba tayo sa Manila? "
" Aba, hija oo nandito ka ngayon sa isang barangay sa Balir, Aurora"
" May terminal ng bus naman po doon sa bayan ano po? "
" Oo hija, meron don mayaman ka siguro ano, sa kutis mo pa lang"
" Manong naman , syempre mayaman ako ano , babalik lang ako sa Manila para maningil ng hustisya "
" Pagpalain ka nawa ng panginoong maykapal, makakamit mo din ang hustisyang hinahanap mo hija"
" Manong ang bait niyo naman, at maraming salamat uli sa pagtulong sa akin. Di ko kayo makakalimutan, manong pasensya na ha, may pera ka po ba? Kahit pang bayad lang papunta sa Manila? " nahihiyang pagsambit ng dalaga sa mama
" Mabuting nakangiti ka pa rin, kahit ganyan yung nasapit mo sa buhay. Bilib ako talaga ako sayo hija, o heto hija isang libo pamasahe at pangkain mo"
" Manong maraming salamat talaga " dala yakap sa mama
" Pero bago ka bumiyahe, magbihis ka muna hija ng damit mo, na ngangamoy kana.Baka pagpunta mo sa Manila, katatakutan ka at pandirihan, malapit lang bahay ko sa terminal ng bus "
Ngayon nakaligo at nakasuot ng disenteng damit nasi Celestine.
" Manong maraming salamat talaga sa pagtulong sa akin, bago ako bumiyahe pwede ko bang mahingi yung number at full name mo po Manong? "
Tumango ang matanda at binigay sa kanya ang hinihingi niya. Kumaway pa si Celestine kay Mang Hulyo ,na may mabuting kalooban.
Nakasuot siya ngayon ng fitted jeans at isang orange, off shoulder na blouse. May 3 inch heels din siyang bigay sa kanya ng anak na babae ni Mang Hulyo. Habang naghahanap siya ng pwesto, nahagip ng kanyang mata ang mga mata ng pasahero na parang gulat na gulat. Parang may nakasakay na anghel ba.
Tatlong oras na biyahe mula sa bayan ng Balir, Aurora patungo sa Maynila.
At ngayon natatanaw na niya ang mga matataas ng gusali, ang ingay ng trapiko at mga pasaherong nagmamadali.
Umupo siya muna sa isang passenger waiting bench. Iniisip niya kung pupunta siya sa mga pulis para humingi ng tulong.
Pumara siya ng isang taxi, papunta siya ngayon sa presento ng pulis para humingi ng tulong.
" Miss, ano po yung maitutulong ko? " sabi ng binatang pulis sa kanya.
Kailangan niyang galingan umakting.
" Sir, paumanhin na pwede po bang makitawag sa mga magulang ko, kailangan ko silang kausapin sana " aniya ni Celestine
" Ito hija yung telepono" na kangiting sabi ng binatang pulis sa kanya
Pipindot na siya sana pero naisipan niyang di niya pala alam ang number ng mga magulang niya. Nabatid naman ito ng pulis.
" Miss may problema po ba? "
" Ah eh, di ko na matandaan yung number ng mga magulang ko eh. Pero alam niyo po si Mrs. Celestia Christine de Jesus? "
" Teka lang miss, hahanapin ko lang sa computer, pero parang narinig ko rin yung pangalan niya pero di ko na matandaan "
Halos 10 minuto ang ginugol ng pulis para hanapin or may impormasyong sa babaeng sinabi ni Celestine.
Habang ang mga pulis naman na iba ay palinga-linga kay Celestine.
"Miss kaano-ano mo siya?, may kailangan ka ba sa kanya? , Miss may ari siya ng kilalang mall dito sa Pilipinas ang Robinson Mall Taguig ,Makati at Caloocan at ayon sa research ko dito sobrang yaman ng pinapahanap mo miss."
" Ahh ganun po ba, pero may hotline or number naman sa mga kompanya niya ano?"
" Ahh opo miss "
" Pahiram ulit ng telepono huh"
Tinawagan niya ang isang number ng kompanya ng kanyang mommy. Mahigit tatlong ring na pero walang sumasagot. Sa ikaanim na pagtawag niya may sumagot parang sekretarya ng mommy niya.