Chapter 4: Ang Sundo

0 1 0
                                        


Sa dilim ng gabi nandito ngayon si Celestine sa kwarto ng kanyang ina,  binabantayan niya ito.

" Nay,  patawarin niyo po ako, kung sino pa yung walang sakit siya pa ang nauna. Pero nay, dapat niyong palakasin yung sarili niyo, at sana sabihin niyo na kay Gabriel ang taning ng buhay niyo. Alam kung labis siyang masasaktan if mawawala ka pa sa kanya" hinaplos-haplos niya ang mukha ng kanyang ina sabay sabi nito.

Pagkaraan ng ilang minuto, may napansin siyang may umiilaw sa may bintana ng kwarto ng nanay niya. Pilit niyang minumulat ang kanyang mata pero di niya makita ang ilaw.

" Celestine ako ang iyong amang maykapal, ang nagbigay buhay sa lahat ng nilalang sa mundo at may kakayahang bawiin rin ito. Halika sumama ka sa akin"

Walang kabang nadarama si Celestine. Alam niyang ito na siguro ang panginoong maykapal. Bago siya sumama ng kusa, lumuhod siya para magbigay pugay sa hari ng hari.

Naramdamang niyang dinala siya ng liwanag kung saan.

" Imulat mo ang iyong mga mata Celestine, huwag kang matakot"

Unti-unting minulat ni Celestine ang kanyang mata. Nasilaw siya sa ganda ng palagid. Para itong paraiso, payapa at masigla ang bawat isa. Maraming siyang nikikitang tao na masaya sa kanilang ginagawa. Nasaisip ni Celestine na ang swerte niya, nasa paraiso na siya ng panginoong maykapal.

Parang namasyal lang siya kasama ang panginoong maykapal, pinakita sa kanya ang lahat lahat dito sa paraiso. Tumigil sila ng konti.

" Celestine alam kung, ng hihinayang ka sa buhay mo sa mundo. Alam kung para sa iyo ay sadyang maliit lang ang kandila ng buhay mo. Alam kung gusto mong magawa pa ang mga ninanais mo."

Kumunot ang noo ni Celestine sa sinasabi ng kanyang kasama. Pero may respeto siya dito kaya pinakinggan niya lang ng maigi.

" Ang pangarap mo at ambisyun mo sa buhay. Alam kung hindi na ito maitutuloy pa dahil nandito kana sa aking paraiso. Ngunit kung ako'y iyong mararapatin, gusto mo bang mabuhay muli? "

Bahagyang nagulat si Celestine.

" Pasensya na po sa sagot ko panginoon, pero gusto ko pa pong mabuhay at magawa yung mga sinabi mo. Kung sana meron pang paraan, tatanggapin ko po, gusto ko pong makasama ulit at maalagaan yung kapatid at ina ko"

"Alam mo naman siguro na,  hindi sa lahat ng oras nandiyan ka sa pamilya mo,   may pagkakataong di na talaga kailangan. Di mo sila mababantayan at maalagaan"

"Opo, alam ko panginoon pasensya na talaga sa mga sagot ko"

" Wala iyon, pero sigurado ka bang gusto mong mabuhay muli? "

" Siguradong-sigurado po ako panginoon "

"Kahit di na sa sarili mong katawan at di kana maaalala ng lahat ng kakilala mo? "

" Gusto ko pong mabuhay muli kahit sa anong anyo o katawan kahit na di na nila ako makilala, ayos lang sa aking panginoon as long as nandoon ako sa mundo ng mga tao at makikita ko lang sila ayos na ako"

" Hmmm,  pursigo ka talaga Celestine. Sige tinutupad ko yung panalangin mong mabuhay muli, ngunit sa katawan ka ng ibang nilalang na nilikha ko"

" Salamat talaga po panginoon"

"Huwag ka munang magpasalamat sa akin anak, baka di mo kaya yung misyon mo Celestine? "

" Huh?  Misyon po?  May misyon po ako? "

" Oo, Celestine dahil pursigido ka at alam kung makakaya mo ito."

" Ano pong misyon iyon, paumanhin panginoon? "

" Bibigyan kita ng muling katawan, halika sumama ka sa akin"

Umandar ang curiosity ni Celestine kaya sumama siya. Bigla silang naglaho, at ngayon nandito sila ngayon sa tabi ng ilog.

" Panginoon ano po yung ginagaw natin dito malapit sa talahiban ng ilog? "

" Pumunta ka don, malapit sa may pungpung ng kangkong makikita mo yung sagot"

Medyo na takot siya pero kailangan kayanin niya ang ito. Kailangan niyang mabuhay muli. Lumakad siya patungo sa itinuro ng panginoon. Bigla siyang naistatwa at masusuka pa sana pero pinigilan niya ito.

Nakita niya ngayon sa gilid ng talahiban ang babaeng walang saplot at putol ang dalawang kamay at paa. Dahil walang saplot ito napagtanto ni Celestine na nirape ito bago ,patayin.

" Ito ang misyon mo Celestine,  bibigyan kita ng muling katawan sa babaeng iyan. Ang pangalan niya ay Celestine Marques , labing apat na taong gulang, sampung taon na siya sa kumbento pero pinauwi ng kanyang ama dahil sa isang arrange wedding sa isang mayamang anak ng negosyante. Date of death January 10,2019 , Cause of death :Rape and Murder. Di pa alam kung sino yung pumatay yung ang isa mong misyon. "

Naawa si Celestine sa kapangalan niya mas malupit ang kanyang pagkamatay at binaboy pa ang kanyang pagkatao. She deserve to live again.

Atleast I'm AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon