Chapter 5: Misyon

1 1 0
                                        


" Tandaan mo Celestine ang misyon mo, hindi kita binuhay muli para ipapatay sila kundi binuhay kita ulit para malaman ng pumatay sa kanya ang guilt,regret at conscience.Wala kang karapatang patayin siya, pero pinahihintulutan kitang saktan siya emotionally pero may limitation din.

Unang misyon mo,  bumalik ka sa pamilya niya, burahin mo ang kanilang galit at pagkamuhi sa pumatay sa kanya. Tulungan mo silang bumangon maging positive muli at ang mahalaga ay kailangan nilang magpatawad.

Ikalawang misyon,  kailangan mo din tanggalin ang galit at pagkamuhi ng kanyang asawa sa pumatay sa kanya. Iparamdam mo din sa kanya ang pagmamahal at pagpapatawad.

Ikatlong misyon kailangan mong malaman kung ano yung dahilan at sino yung pumatay sa kanya. Ipadama mo sa kanila ang guilt, regret at conscience.

Pinahahalintulutan kitang makita at makasama ang pamilya mo Celestine. As long as hindi ka nakakaabala sa kanila at sa misyon mo.

Kung may papatay sa iyo, huwag kang matakot di kanila masasaktan. Bahala ka Celestine kung iibig kang muli o susubok kung ano yung gusto mo as long as nasa misyon yung pokus mo. Tandaan muli Celestine ito yung ikalawang buhay mo, sa huli ako pa rin ang magdedesisyun.

Celestine tinatanggap mo ba ang hamon ko sayo? "

- aniya ni panginoon

" Kakayanin ko ito panginoon,  tatanggapin ko ang hamon mo sa akin"

" Yan ang dapat basta tandaan ang  misyon mo, paglumabag ka syempre ibang usapan yun"

Tara muli sa paraiso para maka handa ka bukas ng umaga.

Atleast I'm AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon