Isang linggo na ang nakaraan ng matapos, ilibing si Celestine. Heto pa rin siya sa mundo ng mga tao , nakikita niya pa rin ang lungkot at hinagpis ng kanyang ina, kapatid, kamag-anak at mga kakaklase.
Nakita niya rin ang kanyang crush nasi Timothy Tan, na hindi makapaniwala sa nangyari kay Celestine. Batid ni Celestine na sinisisi ni Timothy Tan sa kanyang sarili ang kanyang kamatayan. Ng sigurong hindi niya ito, tinawag sa stage na gawin ang dare na iyon siguradong buhay pa ito.
Walang magagawa si Celestine ng makita ang kanyang Crush na ngayon ay sinisisi ang pangyayari. Parang na konsensya siya nito. Pero kahit ganun pinatawd na ni Celestine si Timothy.
At yung namaril sa kanya, di niya pa rin nalalaman. Alam niyang ligaw na bala lang iyon.Pero hindi pa rin si Celestine kontento kung ano ang dahilan ng namaril para siya pa ang tamaan.
Di niya binuhay sa paghihigante at pagkamuhi ang kanyang kaluluwa na ngayon ay paikot-ikot lang dito sa mundo ng mga tao.
Nakikita ito ng panginoong maykapal at siya ay natutuwa sa kanyang ikinikilos. Karapat-dapat siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon ika nga niya.
Hindi pa rin mawari sa isip ni Celestine kung saan siya papatungo sa langit ba?, sa purgatoryo o sa kadiliman?
Palaisipan niya pa rin kung bakit di pa siya sinusundo ng kanyang sundo.Kung may sundo nga ba? Bigla siyang natakot baka magiging masamang multo siya na ang pokus ay ang paghihigante lang.
Mahigit tatlong linggo na siyang paikot ikot sa mundo ng mga tao. Wala pa rin sundo. Nakikita niya ngayon ang paglago ng negosyo ng kanyang ina na kanyang sinusubaybayan. Ang kapatid niya naman ay palaging tinutulungan ang kanyang ina pagkatapos ng kanyang klase.
Nakikita niya rin sa kanyang kapatid na lalaki na pursigido itong tapusin ang kanyang kurso na maging isang architect. Masayang masaya ang loob ni Celestine sa nangyayari sa kanyang pamilya. Ika nga niya kung may sundo na sasama na siya talaga kung saan siya nararapat.
