"Love may inaasahan kabang bisita kahapon?" Biglang natulala si Liam sa tanong ko.
"Hoy!"
"Ahh w-wala naman love nakapunta naman sila james, ahh sige na love may pupuntahan lang ako"
"Talaga?sama ako naiinip ako dito"
"Wag na mas lalo kang maiinip dun"
"San ka ba pupunta?"
"Sa kaibigan ko lang may paguusapan lang daw kami"
"Kila James?"
"Hindi sige na love bye" pagpaalam niya sabay halik sa labi ko.
...
"Sa kasal pala nila sab ano plano mo ate?"
"Bloody wedding"
...
Ding~~
"Hi sab pasyal tayo mamaya invite mo na rin sila Abby para masaya"
"Sige Nicole what time ba?"
"Before dinner nalang mga 6 see you girls"
Bat kaya biglang nagyaya to si Nicole sigurado akong manlilibre nanaman to. Matawagan nga sila Abby.
"Abby mamaya pala sama kayo sa akin shopping daw sabi ni Nicole"
"Sige ba G ako jan girl hahaha sabihan ko nalang si Blair anong oras ba para masundo ka namin"
"Mga 6, ay Abby pwede mo ba akong samahan ngayon? Pacheck up lang ako"
"Of course sab sige papunta nako jan bye"
Habang naghahanda ako biglang pumasok si mama.
"Oh anak san ka pupunta? si Liam saan?"
"Check up mama"
"Wala kang kasama? Dapat si Liam kasama pag nag papacheck up ka"
"Busy daw po siya mama kasama ko naman po sila Abby"
"Ok"
Ding~
Kay Liam phone yung tumunog naiwan niya siguro to. Diko sadyang basahin
UN-
I miss you Noah
Biglang kumunot noo ko sa nabasa sino to? Diko alam pero naiiyak ako bat ganun feeling ko niloloko niya ako sana hindi, sana mali nasa isip ko.
...
"Don't worry Mrs. Yie your baby is healthy"
"Thank you doctor"
"Girl san ba asawa mo dapat siya kasama mo dito"
"Busy daw siya e diko alam pero iba pakiramdam ko nung umalis siya, tapos kanina may nag text sa kanya nabasa ko i miss you daw, diko naman alam kung sino, wala namang pangalan naka lagay"
"Baka naman wrong send lang paranoid ka lang"
"Kung wrong send bat i miss you Noah nakalagay? Pangalan ni Liam yun e"
"Wag tayong magbintang agad sab kailangan natin ng proweba"
"Tama si Blair sab, ano balak mo?"
"Diko alam ilang araw nalang kasal na namin pero may problema na agad."
"Hay sab wag mo yan isipin makakasama kay baby"
"Sab si Liam oh"
Nanlaki ang mata ko ng makita si Liam dito sa hallway ng hospital papunta siya sa amin.