#18

133 7 2
                                    

(A/N): medyo matatagalan updates ko, start na online class namin.

Sab POV;

"sab please let's talk love, let me explain please." Mahinahon na sabi ni Liam habang hinahagod ang braso ko at pilit na pinapaharap sa kanya, naka higa lang ako habang naka talikod kay liam, ayoko siyang pakinggan nag bingi bingihan lang ako nakakapagod na ilang beses ko na siyang na huli di lang kahapon.

Tumayo ako para pumunta sa kwarto ni Savannah kasi umiiyak ito napansin kong sinusundan ako ni liam, bubuhatin ko na sana si Savannah pero inunahan na ako ni Liam. "Ano ba, akin na si Savannah nagugutom yan!" Pilit kong kinuha sa kanya ang anak ko "ako na ako na magpapadede sa kanya ako na mag timpla mag pahinga kana love" ano di niya ba alam na ayaw ni Savannah ng bottle well lagi siyang busy kaya di niya talaga alam.

"Sa sobrang busy mo Liam sa kabit mo... Di mo na kilala anak mo!" Sabi ko at kinuha si Savannah wala siyang nagawa at sinundan ulit ako. "Love please let's talk, I just want to clarify everything.... Love please" di ko alam kong maniniwala ako sa kanya. Inirapan ko lang si Liam at umupo sa sofa tsaka pinadede si Savannah.

"Give me space liam, give me time at kakausapin kita" sabi ko habang naka tingin sa harap ko.

"Ok love I'll give you what you want" sabi niya at naglakad papasok sa kwarto "wait" i stop him nilapag ko sa crib si Savannah at hinarap si Liam.

"Lumayas ka sa bahay, pumayag ka sa gusto ko diba. Sa ngayon ayokong makita ka" diretso kong sabi "love di ako aalis dito gusto mo sa guest room ako matutulog para di mo ko makita" pumikit ako ng mariin tumingala para di bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "No! Kung di ka aalis,... Kami ni Savannah ang aalis." Huling sabi ko bago siya tinalikuran ulit. "Sige one week, I'll give you one week, pag tapos nun mag usap tayo, pag di ka pumayag di ako aalis." Pinusuan ko ang mga luha ko na kanina pa tumutulo at hinarap siya. "Ok."

Wag ka mag alala Liam sa loob ng isang linggo na yun mahuhuli ko kayo ng kabit mo, kung sino ka man wag kana mag pakita pa sa akin, kanina pa naka alis Liam. I call someone na mag babantay sa kinikilos ni Liam. "Nasundan mo? San siya tumuloy ngayon?"

"Yes ma'am,... Nasa 'Your own's condo residence' po" familiar ang condo name na yan di ko lang maalala kong saan. "Ano pa nakuha mong information?"

"Ma'am nakuha ko number ng condo niya nagawan ko ng paraan, sabi ng receptionist kasama niya dito girlfriend niya" agad napakuyom ang kamao ko sa sobrang galit, "gusto niyo po ma'am alamin ko pangalan ng kinakasama ng asawa niyo ma'am?" gusto ko, gusto ko malaman agad kung sino man siyang naninira ng pamilya, "Hindi na gusto ko ako mismo ang maka alam sa sarili ko" binaba ko kaagad ang tawag ngayon alam ko na kung saan ka mahuhuli Liam antayin mo ako, tinawagan ko si Abby siya kasi ang kasama ko na pupunta bukas sa condo ni liam, sa tatlo si Abby palang ang sinabihan ko maldita si Abby pero na kokontrol niya galit niya eh yung dalawa hindi kaya si Abby muna.

Saka ko na sasabihin sa dalawa ang balak namin ni abby, pag katapos kong mahuli sila liam aalis kami agad ni Savannah ilalayo ko siya kay Liam, aalis kami sa bansa at makikipag divorce na rin ako kay Liam bago kami aalis, kailangan ko lang ng ebidensya para malakad agad yung divorce.

"Abby bukas tayo pupunta alam ko na kung saan" binaba ko kaagad ang tawag alam ko naman na sasabihin ni abby, si Savannah naman kila Nicole muna ayoko na malaman to ni mama lalo na si kuya ayoko na malaman niya ang problema ko.

Maaga ako nagising papunta na ako kila Nicole para sa kanya muna si Savannah ang alam ni Nicole may pupuntahan lang kami ni Abby.

Andito na ako sa harap ng pinto ng condo ni Nicole nag door bell muna ako, bumungad sa akin ang malawak na ngiti ni Nicole kasi makakasama niya ulit pamangkin niya. "Sab pasok ka muna" binigay ko kaagad si Savannah kay Nicole "ahh hindi na nagmamadali kasi ako alam mo na mainipin si Abby haha" pagbibiro ko tumango si Nicole bilang sang ayon sumakay agad ako sa elevator papuntang basement tinawagan ko si Abby na susunduin ko siya.

Nangmakarating ako sa lobby ng condo ni Abby sinalubong niya agad ako dun na kasi siya nag antay "ano handa kana ba makilala kabit ng asawa mo?" Bungad niya sa akin inirapan ko lang siya kaya natawa naman siya.

Si Abby na ang nag drive sa ni James kay Abby kanina di daw pumasok si Liam kaya sure akong nasa condo siya ng kabit niya, diko namalayan nasa parking lot na kami ng condo kaya bumaba agad kami, habang papalakad kami sa loob ang bilis ng tibok ng puso ko nanginginig buong katawan ko ang bigat ng pakiramdam ko iba yung kaba ko, natauhan ako ng marinig ang bell ng elevator di ko namalayan nasa harap na kami ng pinto, walang may balak sa amin ni Abby na mag doorbell wala pa akong nakikita pero naramdaman ko na ang luha ko na babagsak na ng wala sa oras.

Abby was supposed to press the doorbell but i stop her "ako na" na nginginig na sabi ko diko kaya pindotin pero sinasabi ng isip ko na kaya ko, diko na namalayan na pindot ko na yung doorbell, habang nawawala yung tunog ng doorbell mas lalo akong kinabahan mas lalong sumisikip dibdib ko unti unti narin nanglabo mata ko dahil sa luha ko.

Unti unting bumukas ang pinto mas lalo akong nanghina, nang bumukas ang pinto bumungad sa akin si Liam na walang pan taas nanlaki ang mata niya ng makita ako "Love?" Bulong niya pero di gaano ka hina at narinig ko "L-Li -am Liam" utal na sabi ko pinunasan ko ang luha sa pisnge ko nanlalabo parin paningin ko dahil sa luha ko sa mata.

"Babe sino nandyan"isang pamilyar na boses ang narinig ko mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko... Si Kim nakita ko sa likod ni liam suot niya t-shirt ni Liam para akong sinaksak ng maraming beses di parin nag sink in sa utak ko mga nangyare napakapit ako sa may pinto nawalan ako ng lakas bat ko ginawa ang bagay na to alam ko naman na masasaktan lang din ako, diko maintindihan bakit si Kim pa bakit pinsan ko pa madaming tanong ang gusto kong tanongin kay Liam pero diko magawa diko mabukas ang bibig ko nanghihina buong katawan ko nanglalabo mata ko dahil sa luha ko.

"Love" lalapit sana si Liam pero umatras ako ng kunti "don't touch me" tanging lumabas sa bibig ko, napatingin ako sa likod ni Liam napatingin ako kay Kim nakita ko sa mukha niya na walang pinagsisisihan "b-ba-kit?" Utal na sabi ko "Kim bakit?" Pag uulit ko "Kim bakit mo ginawa to? Pinsan kita" napaupo ako at napahagulgul nalang sinusuntok ko dibdib ko para mabawasan sakit pero wala di parin nabawasan mas lalong sumakit, tinayo ako ni Liam at agad na niyakap "love I'm sorry" tinulak tulak ko si Liam pero masyado siyang malakas para makawala ako sa mga bisig niya "bitawan mo ako Liam! Bitawan mo ako!!" Sabi ko at tinulak tulak parin siya binitawan ako ni Liam agad ko siyang sinampal isang malakas na sampal mag kabilang pisnge ang ginawa ko di lang siya pumalag nakita kong umiiyak na rin siya.

Lumapit si Kim at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig tinulak naman siya ni Abby at sinampal "kapal ng mukha mong saktan si sab!!!" Narinig kong sigaw ni Abby tinulungan akong maitayo ni Abby at Liam pero binawi ko ang pagkakahawak sa akin ni Liam kay Abby ako kumapit. Hinarap ko si Kim at agad na sinampal mag kabilang pisnge ko siya sinampal di pa ako nakontento at sinampal ko ulit siya agad kong hinila ang buhok niya "love Tama na" pag aawat ni Liam pero inawat siya ni Abby "pwede ba Liam wag ka mangialam" rinig kong sabi ni Abby wala na akong pakialam kung pinsan ko siya umibabaw ako kay Kim at sinampal siya ng malakas nakita kong dumugo ang labi niya, inawat na ako ni Abby at tinulungan na tumayo.

"Love Tama na! Wag dito mag usap tayo, please wag dito!!" Nagulat ako sa pag sigaw ni Liam sa akin agad ko siyang sinampal "Wala kang karapatan na sigawan ako Liam" galit na sabi ko pinunasan ko muna ang luha ko at hinarap siya.

"I want an divorce! Maghiwalay na tayo! Di mo na ako makikita at mas lalong di mo na makikita si Savannah kahit kailan!" Huling sabi ko bago kami umalis diko alam kung tama to pero ito ang nakikita kong Tama ayoko ng mag dalawang isip ayoko ng SECOND CHANCE kasi alam kong uulitin niya parin yun.

_____________________________________.

<3.

My wife's tears [On Going]Where stories live. Discover now