"Sab I'm so excited na for tomorrow!"masayang sabi ni Nicole.
"Naku ha mas excited kapa sa akin"
"Sana walang mangyare bukas"
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing"
"Pero mas excited ako sa baby ano kaya gender ni baby" masayang sabi ni Blair.
Andito kami ngayon sa kwarto namin ni liam ewan ko ba sa tatlo dito daw sila iinom sa bahay ko ayaw daw ni Nicole sa bar niya kasi di daw ako makakasama pag dun gusto kasi nila nakikita ako haha.
"Sab ano ipapangalan mo kay baby kung sakali?"
"Pag babae Savannah Lucy haha pero wala pa akong naiisip sa lalaki"
"Alam mo feel ko babae e, kayo ba?" Biglang singit ni Abby
"Nah it's a boy" sabi ni Blair
"Me too i feel it's a boy" sabi naman ni Nicole "how about you sab?"
"Babae syempre no"
"Diba sabi sa inyo pag nagbubuntis na yung nagsabi ng gender tama kaya tama nako in advance haha" sabi ni Abby.
"Well let's see pag tama kami ni blair papainom kayong dalawa" biglang sabi ni Nicole.
"G! Ganun din sa inyo pag Tama kami ni sab? Ano sab G kaba?"
"Aba pinagpupustahan niyo anak ko ahh"
"Maki ride kana lang sab kj naman" sabi ni Blair.
"Sige bahala kayo haha"
"Sab san pala si Liam naku ha di pa kayo kasal nagloloko na siya"
"Baliw ka talaga Abby gaya mo siya kay James haha"
"Pwede ba wag niyo na siya banggitin nakakainis lang"inis na sabi ni Abby
"Why?, Who's James ba? Boy friend mo Abby? Curious na tanong ni Nicole.
"Oo" "muntik" "Hindi ahh" sabay na sabi namin nila Blair at Abby.
"Ikaw ba Nicole may boyfriend kana ba?"
"Ahh oo actually uuwi siya bukas aattend siya wedding ni sab bukas"
"Ano pangalan?"
"Jimin"
"What!? Naging kayo? Sabi na e haha"
"Bakit sab kung maka react ka naman jan"
"E hate na hate ni Nicole yan dati si jimin e mahangin daw kasi di niya daw type mga ganung lalaki"
"Ayun kinain mga salita" singit ni Abby
"Sab about your cousin Kim i have a feeling di siya mabuti" biglang salita ni Nicole.
"Mismo Nicole nararamdaman ko din yan e" pag sang ayon ni Abby
"Me too" sabi ni Blair
"Wag kayong ganyan, don't judge the book by its cover mga bata"
"What mga bata!? Sab nanay na nanay kana talaga tss" sabi ni Blair
...
"San ka galing?"
"Ahh kila Lucas lang inoman lang, huling araw nadaw kasi ng pagka binata ko" bigla naman ako naka ramdam ng lungkot sa sinabi niya.
"Sorry"
"Huh?, love bat ka nagsosorry?"
"Kasi kasalanan ko na maaga ka nag karoon ng asawa"
"Tss halika ka nga dito" sabi niya sabay hila sa akin at pina upo niya ako sa hita niya sabay yakap sa bewang ko "love di mo kasalanan walang may kasalanan ok? Parehas natin di sinasadya ang nangyare ok?" Sabi niya sabay halik sa braso ko at niyakap ako ng mahigpit.
Magkasama na pala kami ni Liam sa iisang bahay pumayag na kasi si mama sa sinabi ni mommy na kailangan na namin masanay na mag kasama na.
"Kain na tayo love, niluto ko favorite mo"masayang sabi ko
"Ikaw lang naman ang favorite kong kainin love e"
"Sira manyak mo magagalit si baby" aalis na sana ako sa pagkakaupo sa hita niya ng bigla niya akong hilain pabalik at hinawakan ang pisnge ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko ay kusang pumikit ang mga mata ko that kiss was so deep and full of love, we both stopped to catch our breath.
"Love tara kain na tayo"
"Tss sige na nga gutom na rin ako e, pero mamaya love ahh" sabi niya sabay kindat
"Ewan ko sayo"
Habang kumakain kami may biglang tumawag kay Liam diko naman nakita kung sino tumawag kasi biglang pinatay ni Liam phone niya.
"Oh bat ayaw mong sagotin?"
"Wrong number lang siguro"
Nangmatapos na kami kumain ay umakyat na agad kami sa kwarto habang naliligo si liam ay inayos ko muna higaan namin bigla naman tumunong cellphone ni Liam tiningnan ko muna pinto ng cr kung lalabas na ba si Liam bago ko kinuha cellphone niya nakita ko pangalan ng babae tumatawag "Mae" huh familiar tong pangalan na to parang narinig ko na to, sasagotin ko sana yung tawag ng biglang nag text ito "Liam pupunta ako bukas sa kasal niyo" huh? Sino to? Bat kailangan niya pa ipaalam kay Liam na pupunta siya bukas? May isa pa siyang text "I miss you babe"
"Love?" Nagulat ako sa tawag ni Liam kaya nag panic akong pinatay phone niya
"Ahh halika na tulog na tayo"
Nang maka higa na si Liam ay niyakap niya agad bewang ko at hinalikan pisnge ko.
"I love you"
"I love you too" ngiti kong sagot sa kanya.
Sana nga Liam totoo yan, Sana nga mali iniisip ko, Sana walang namamagitan sa inyo nung Mae, Sana di mo ako niloloko.
______________________________________________.
<3Sorry sa late update medyo sumasakit kasi ulo ko kaya pinag pahinga ko muna.
PS. Wag naman po kayong silent reader hahaha comment kayo kung ok ba story ko kung hindi buburahin ko nalang HAHAHAHa eme.