(A/N): sorry sa slow update kasi tinatamad ako Hahaha.
...
Naghahanda ngayon si sab sa dadalhin nila ni Liam paalis ng bansa habang nag aayos si sab biglang tumunog phone niya.
Abby:
Ngayon na ba alis niyo?Sabrina:
Oo bakit?Abby:
Wala sige enjoy girl:)
seen.Ano nanaman kayang kailangan ng babaeng to baka mag aaya nanaman ng inuman kasi naka labas na si Nicole kahapon e, mga uhaw talagang babae.
Biglang pumasok si Liam sa kwarto nila nagulat si sab ng yakapin siya sa likod kaya kinikilig naman ang gaga chos;
"Let's go na love baka ma late tayo sa flight natin"
"Sige sandali patapos nako"
"Tagal naman lumabas ni baby para masundan agad natin kawawa kasi pag walang kapatid si baby"
"Anong umayos ka nga Liam puro ka ganya"
Natawa nalang si Liam sa reaksyon ng kanyang asawa dahil sa kalokohan nito.
Nangmatapos sila ay agad silang bumaba andun ang pamilya ng dalawa na naka abang sa kanila.
"Enjoy kayo dun ha" biglang sabi ng mama ni sab
"Opo mama" naka ngiting sabi ni sab.
"Don't worry mama pag uwi namin dito dalawa na po laman ng tiyan ni sab" pagbibiro ni Liam.
"Kayo talaga, sige na anak baka mahuli pa kayo."
"Sige po mama, mommy una na po kami" paghalik sa pisnge ni sab sa magulang niya tsaka sa magulang ni Liam ganun din ang ginawa ni Liam.
"Enjoy" kumakaway na sabi ng mommy ni Liam habang papalayo ang sasakyan nila Liam.
...
Nang maka pwesto na sa upuan sila Liam at Sab, masayang pinagmamasdan ni Liam si sab, mukhang napansin naman agad ni sab yun at tiningnan si Liam ng pagtataka.
"Bakit? May madumi ba sa mukha ko?"
"Wala, masama bang pag masdan ang asawa ko kasi sobrang ganda?" Pagsabi ni Liam.
"Luh bolabola asado"
Kumunot naman ang noo ni Liam sa pinagsasabi ni sab
"Edi wag sabi mo eh bahala ka" pag sabi ni Liam sabay cross arms at ngumuso, natawa naman si sab sa mukha ni Liam na akala mo batang inagawan ng candy.
"Tatawa kalang diyan? Di mo ako susuyuin? Kita mong nagtatampo ako"
Mas lalong natawa si sab sa inasta ng asawa na parang bata.
"Sige tawa lang, di ka makaka score sa akin mamaya"
Nag taka si sab sa sinabi ni Liam.
"Talaga? Sige sabi mo eh, sa sofa ka matutulog ahh"
"WHAT!!!? NO WAY!! Tabi tayo"
"Eh!? ayoko nga"
Biglang humarap si Liam sa kanya.
"No!! Tabi tayo, gusto ko tabi tayo... Pero di ka parin makaka score sa akin."
"Ok sabi mo eh! Hahaha... Walang sisihan mamaya ahh" ngumiti si sab ng nakakaluka, bigla naman napaisip si Liam sa sinabi niya.