(A/N); ngayon lang ulit ako naka pag update sorry. Malapit narin to matapos hehe.
...
Masaya kong pinagmamasdan ang magandang tanawin kitang kita din dito ang Eiffel tower sobrang ganda niya tingnan nakaka relax andito kasi ako sa balcony habang umiinom ng red wine, gabi na ngayon kakagaling lang namin ni Liam sa gala ang saya eh.
Habang tulala ako naramdaman ko ang pares ng kamay na naka pulupot na sa tiyan ko.
Kinikilig naman ako kasi nga bebe ko yung may yakap sa akin enebe.
"Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo"
sira talaga to!
Tumawa nalang ako biglang sagot syempre mahinang tawa lang pabebe tayo e chos.
"Gusto ko na lumabas si baby agad agad" biglang sabi ni Liam.
"Sira ka dipa nga nalalaman gender ni baby"
"Ay oo nga pala, pero gusto ko babae"
Ngumiti bigla ako
"Pareho pala tayo gusto ko din babae eh"
"Talaga?"
"Oo may naisip na nga akong pangalan eh haha"
"Ano yun?"
"Sinunod ko sa pangalan natin, Savannah Lucy"
"Savannah Lucy" paguulit ni Liam sabay ngiti "Ang ganda gusto ko" ngiting sabi niya.
"Syempre no ako naka isip eh"
"Mag handa kana kakain tayo nag pa deliver nako dito"
"Ok maliligo lang ako"
Habang nasa cr ako diko maiwasan ang di ma pa tingin sa salamin kahit di pa malaki yung tiyan ko medyo halata na siya.
Tapos na kami mag dinner ni Liam at andito kami sa living room at nanonood ng movie nag flash sa TV ang isang masayang pamilya napangiti naman ako sana ganyan din kami in the future pag labas ni baby.
"Ganyan tayo pag labas ni baby, i will make sure that i will be the best father of our baby and a good husband to you" ngiting sabi niya sabay halik sa labi ko.
...
Early morning, andito kami sa airport at uuwi na inaantay nalang tawagin ang flight namin.
Simula nung kahapon lagi nalang may katawagan si Liam sa phone niya but it's ok to me baka lang sa trabaho niya, siya na kasi ang bagong CEO ng company nila ako naman may business na ako salon siya dati ko pa kasing pangarap yun may Isa na akong branch sa mall maganda naman tsaka nagbabalak din ako mag business pa ng toy store lagi kasi akong pinaglalaruan chos.
Tumayo na kami ni Liam kasi gusto lang namin chos kasi tinatawag na yung flight namin pauwi na kasi kami.
Habang nasa ere kami ayan nanaman si Liam sa tawag niya tapos may laptop sa mesa niya wala na akong magawa kaya natulog nalang ako baka pag gising ko tapos na yang katawagan niya.
...
Liam POV
Naramdaman kong natutulog na si sab kaya nag patuloy nalang ako sa trabaho ko.
Habang abala ako sa ginagawa ko ay biglang nag ring phone ko di ko na tiningnan sino tumawag baka sa trabaho lang.
:Hello?
[Hi Liam did you miss me?]
: I'm sorry who's this?
[Oh wow makakalimutin na pala ang ex ko na asawa ngayon ng pinsan ko so funny.]
:Edi tumawa ka, tss stupid.
Agad kong binaba ang tawag ayan nanaman si Kim di niya talaga ako titigilan nag usap na kami tungkol dito ah.
...
Nagising ako sa silaw ng araw, pag bangon ko nakita ko si sab na tulog pa weeks had pass simula nung umuwi kami ni sab galing vacation.
"Aray" rinig kong sabi ni sab kaya napatingin ako sa kanya.
Nabigla ako ng makita ang dugo sa likod niya nung tumayo siya kaya pinuntahan ko na agad.
"Love may dugo, may masakit ba sayo?" Di na ako nasagot ni sab nung nawalan siya nang malay kaya agad ko siyang binuhat.
"Manang buksan niyo ang gate pakuha na rin ng susi ng kotse!!!" Nag mamadali akong isinakay si sab sa sasakyan, mabilis ang patakbo ko ng kotse agad naman kaming nakarating sa hospital.
"Nurse!!! Tulong!!" Sigaw ko agad namang inasikaso nila si sab, habang nag aantay ay tinatawagan ko na sila mama tsaka si Nicole, maya maya lang dumating na sila.
"What happened Liam?" Agad na bungad sa akin ni mama sasagutin ko na sana ng lumabas ang doctor.
"Where's her family?"
Agad akong tumayo para harapin ang doctor.
"Ka ano ano mo ang pasyente?"
"Asawa niya ako, kamusta na ang asawa ko? Ang anak namin ligtas ba??"
"Mr don't worry ligtas ang mag ina mo siguro kailangan lang ng pahinga ni misis. Excuse me" pag paalam ng doctor.
Agad naman kaming pumunta sa kwarto ni sab, pag dating namin dun tulog parin siya, siguro nga kailangan niya muna mag pahinga kay Nicole ko nalang muna ipaasikaso yung business ni sab, papayag naman yun kasi magaling din siya mag hawak ng business.
Gabi na ng magising si sab, kaya nilapitan ko kaaagad siya.
"Hi love, are you ok? May masakit ba sayo? Nagugutom kaba?" Ngumiti ng tipid si sab.
"No, I'm ok, anong nangyare? Si baby? Ok ba siya?"
Hinawakan ko ang buhok ni sab para pakalmahin siya.
"Baby is fine love no need to worry, sabi lang ng doctor, kailangan mo lang ng pahinga, kaya hanggat di pa lumalabas si baby di ka pwede mag trabaho ok?"
Agad kumunot ang noo ni sab sa sinabi ko na para bang naguguluhan.
"Why? No, pano business ko sino mag hahandle?"
"Si Nicole... Sabi niya siya nalang daw muna" ngiting sabi ko sa kanya sabay halik sa noo.
"Diba nakakahiya kay Nicole?"
"Anong nakakahiya ka diyan?" Biglang sulpot ni Nicole.
"Nakakahiya sayo baka nakaka istorbo ako"
"No sabrina, it's ok, Tama si Liam kailangan mo pahinga, para sa health mo tsaka sa anak mo"
"Pero-"
"No love, just listen to me" pag putol ko, kaya tumango nalang si sab dahil wala na siyang nagawa.
Five days si sab sa hospital, kaya ngayon ang uwi niya nasa bahay ako para mag ayos at susunduin narin si sab andun naman mga kaibigan niya para bantayan siya.
Habang nag aayos di mawala sa isip ko ang pagkikita namin ni kim.
"Liam please come back to me" pag mamakaawa niya sa akin.
"Kim hindi na tayo pwede, may pamilya na ako."
"Tss talaga lang Liam ahh, HAHAHAH balang araw babalik ka rin sa akin at iiwan mo yang pamilya mo." Sabi niya sabay punas ng luha niya at umalis na.
Ano ang ibig niyang sabihin? Bat ganun ang tama sa akin?.
______________________________________.
<3.
Tatlong update ako ngayon kasi matagal tagal akong nag kaload HAHAHA.
GOD BLESS GUYS STAY AT HOME AND STAY SAFE ❤️.
iniisip ko kung ipapublish ko na ba yung isa kung gawa pero wag nalang muna HAHAHA may dalawa kasi akong ongoing BangTwice about friendship tapos MarkSana kaso wag nalang muna papatapusin ko nalang to malapit narin naman matapos to pff skl.
YOU ARE READING
My wife's tears [On Going]
SonstigesDon't cry honey your tears are too precious -Liam