#9

82 4 4
                                    

Author-

Masayang pinagmamasdan ni sab ang kanyang sarili sa salamin habang suot ang napakagandang wedding dress, hindi niya aakalain na ikakasal na siya ngayon sa ama ng anak niya na unti unti na niyang minamahal, habang tulalang nakatingin si sab sa sarili biglang pumasok ang tatlo niyang kaibigan kasama si Kim, kaya nakita niya agad na hindi mapinta ang mukha ni Nicole.

"Hi sab!!" Masayang unang bumati sa kanya si Kim sabay halik nito sa pisnge.

"Tss plastik" rinig niyang sabi ng tatlo kaya sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan.

"Sab congrats I'm happy for you" pag bati ni Abby at yumakap sinundan naman ito ng dalawa.

"Sab alam mo ba magugustuhan mo mamaya gift ko sayo, see you later bebe" bago umalis si Kim ay binigyan niya ito ng nakakatakot na ngiti pero di yun napansin ni sab si Nicole lang ang naka pansin nito kasi kanina niya pa pinagmamasdan.

"Bye!!" Masayang sabi ni sab

"Tss plastik talaga ng pinsan mo sab sure ka bang totoong pinsan mo siya?" Inis na sabi ni blair.

"Huh? Bakit naman?"

"Duh ang manhid mo naman Sabrina, di mo talaga nahahalata?" Biglang sabi ni Nicole.

"Ang alin?"

"Hay wag niyo na pagalalahanin si sab kasal niya ngayon ano ba kayo." Sabi ni abby.

"Sige na nga una na kami sab see you" pag paalam ni Nicole tsaka hinalikan ito sa pisnge sunod nung dalawa.

"Bye!!"

Habang lumabas yung tatlo ay pumasok na agad yung mama ni sab

"Oh anak meryenda ka muna alam kong nagugutom kana"

"Salamat mama buti nalang at dinalhan mo ko haha"

"Anak I'm so happy for you, wag mong bibigyan ng stress asawa mo ahh"

"Mama baka baliktad, baka ako bibigyan ng stress ni Liam haha"

"I'm sure magiging masaya ang pagsasama niyo pero syempre maraming pagsubok ang dadating sa inyo, pero wag niyong sukuan dalawa labanan niyo."

"Salamat mama" ngiting sabi ni sab

"Ahh btw anak may gustong makita ka" ngiting sabi ng mama ni sab

Nagtaka naman si sab kung sino "huh? Sino mama?"

Biglang pumasok ang isang lalaking sobrang namiss niya biglang lumuha si sab ng makita ang papa nito habang nakangiting pinagmasdan ang napakaganda niyang bunso di na pinatagal ni sab ay niyakap niya agad ng mahigpit ang ama.

"Dumating ka papa"

"Oo naman anak diko pwedeng hayaan na mag lakad ka sa altar ng walang kasama, sorry anak wala ako sa panahong kailangan mo ako, sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa inyo."

"Papa masakit ang nagawa mo sa amin, pero handa naman akong patawarin ka ulit syempre papa kita e"

...

Nakangiting naglakad si Liam sa altar kasama ang magulang niya at di siya makapag antay na makita ang pinaka maganda at pinaka mamahal niya na mga ilang minuto lang ay magiging asawa niya na.

Habang nag aantay si Liam sa pag pasok ni Sabrina at tinapik siya ni Lucas na nasa tabi niya (best man ba tawag dun? Haha ewan basta yun na yun) unti unting bumukas yung pinto ay di napigilan na lumuha si liam, nang makita niya ang asawa niya ay biglang bumuhos ang luha niya at masayang inaantay ang asawa niya na naglalakad papunta sa kanya.

Nang nasa harapan niya na ito ay niyakap ni Liam ang papa at mama ni sab sabay tingin kay sab na di mawala ang ngiti at saya.

"You may now kiss your bride"

Masayang nag palak pakan ang mga tao.

Masayang tinanggal ni Liam ang belo ni Sabrina at hinalikan ito ang halik ay puno ng pagmamahalan.

Habang kumukuha sila ng litrato sa bagong kasal ay na pansin ni Nicole ang pag alis ng pinsan ni sab at ni Troy kaya nagtaka na siya sa kinikilos nito simula una palang, kaya sinundan ito ni Nicole ng pasekreto.

"Troy ano bang nangyare sayo?"

"Kim ayoko na di ko kaya"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta ayoko na, Sana ito na ang huling pagkikita natin"

Nagtaka si Nicole sa naririnig niya, di niya maintindihan ang pinagusapan ng dalawa, aalis na sana siya pero naabutan siya ni Troy.

"Nicole? Kanina kapa andito? Anong ginagawa mo dito?"

"Ah nga-ngayon lang hi-hina-hinahanap ko kasi yung cr, alam mo ba kung saan?"

"Ahh ganun ba diko alam e, tanong ka nalang sa mga taga simbahan sige na mauna na ako babatiin ko pa si sab"

Pag alis ni troy ay nakita naman agad ni Nicole si Kim na nagpupunas ng luha.

"Kim bakit?"

"Wala paki alam mo ba ha!"

Pag tataray na sabi nito kay Nicole.

Habang kumakain na sila at ang mga bisita sa sa reception ng hotel nila Liam ay biglang namatay yung ilaw kaya nag taka ang mga bisita.

Nang may nag flash na video sa likod nila Liam at Sab sa malaking LCD screen isang babae at lalaking nag uusap.

"Diko kayang patayin si sab lalo na may dinadala siya"

"Kung hindi si sab edi si Liam"

"Ano! Ate no!"

Di nila malaman ang boses ng mga naguusap kasi di pamilyar sa kanila ang boses at malabo ang mga mukha nito.

Nang matapos ang video ay bumukas na ang ilaw, nabigla ang lahat ng may narinig silang baril.

BANG!!!

"NOOOOOOOO!"

___________________________________________.
<3

HAHAHAHA sorry sa boring na chapter.

My wife's tears [On Going]Where stories live. Discover now