Chapter 23

918 32 4
                                    

"Anong pakulo na naman ito?" Tawang sabi ni Chelsy habang pinag bubuksan niya kami ni Nathan ng gate.



Nathan pointed at me, "Siya sisihin mo. Nandamay lang siya eh. Malas ko lang, na ako nahatak niya."



Tumingin si Chelsy kay Nathan at bahagya pa itong napakunot.



"Teka, yoyr face is kinda familiar to me," nilagay ni Chelsy ang pointing finger niya sa baba niya, "did we met each other before?"



Nahihiyang napakamot sa batok si Nathan bago ito nag lahad ng kamay kay Chelsy, "Nathaniel nga pala, pero Nathan nalang," then he glanced at me for a second, "pinsan ni Sebastian. Isa ako sa kasama niya dati noong hinarana ka niya sa bahay."



Nanalaki ang mata ni Chelsy at bahagya pang umawang ang bibig niya, "That's why," tinginan ni Chelsy ang pinto ng bahay nila, "pasok kayo."



Nauna sa paglalakad si Chelsy habang kaming dalawa ni Nathan ay nakasunod lang sa kanya. Pagpasok ng bahay nila, nakita ko agad si Syrah na kumakain ng French toast sa dining area nila. Pinaupo kami muna ni Chelsy dito sa sofa sa sala nila.



"Tuloy kayo. Pasensya na, maliit lang ang bahay," nakangiwing sabi ni Chelsy pero agad na umiling si Nathan.



"It's okay, it's okay, no worries," sabi ni Nathan habang pinapalibot niya ang paningin sa buong bahay.



Nag lapag si Chelsy ng dalawang orange juice sa center table na nasa harapan namin, saka dalawang French toast na nasa platito.



Tumabi sa akin si Chelsy habang pinagmamasdan kaming dalawa ng pinsan ko, "Pasensya na, ganyan lang kasi ang agahan namin eh."



Tinignan ko siya and I caressed her hair gently, "It's okay. Thank you for the food," nakangiting sabi ko sa kanya.



"Syrah!" Chelsy called her daughter at aga itong lumapit sa amin, "greet your titos."



Dumukwang si Syrah para kunin ang kamay ni Nathan saka ito nag mano, "Good morning po," tumingin siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi, "good morning tito Sebastian," nakangiting bati niya sa akin.



"S-she's your daughter?" Gulat na sabi ni Nathan habang tinuturo si Syrah na ngayon ay nakaupo sa binti ni Chelsy.



Tumango naman si Chelsy sa kanya, "Yup. Her name is Syrah Lindleigh, but we call her Lily."



"Ahhh," tumango tango si Nathan, "asan yung ta--"



Agad ko siyang siniko kaya hindi niya naituloy ang dapat sasabihin niya.



"Huwag mo ng itanong ang tungkol sa tatay," mahina kong bulong sa kanya at agad din naman siyang tumango.



"Uhm, napaano yung braso niya?" Turo ni Nathan sa cast na nasa braso ni Syrah.



"Na aksidente, pero minor injury lang naman siya," sagot ni Chelsy at pinagmasdan si Syrah na umalis mula sa pagkakaupo niya para pumasok sa kwarto.



Pagkasara ng pinto ng kwarto, agad na hinarap ni Nathan si Chelsy.



"She's pretty, mukha siyang Chinese because of her eyes and skin."



Dapat sisikuhin ko na siya para hindi niya maituloy ang sinasabi niya, pero agad niyang nasalag ang siko ko na tatama dapat sa tahiliran niya.



Bumuntong hininga si Chelsy at hinimas ang mga kamay niya sa hita, "Talaga? Marami nga ang nag sasabi non eh."



Sandali kaming natahimik tatlo hanggang sa basagin ni Nathan ang katahimikan.



It Will Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon