Chapter 25

872 28 2
                                    

Dedicated to trouvailxx

"Sigurado ka bang kaya mong harapin si Mason?" Tanong ko saka naupo sa sofa dito sa bahay nila Chelsy.



Pagkatapos kasi namin ikutin ang buong bahay na pinagawa ko para sa amin, ay umuwi na rin kami. Yun nga lang, on our way going back to Chelsy's house, nakatulog na si Syarah kaya kinarga ko nalang siya patungo sa kwarto nila Chelsy.



Naupo sa tabi ko si Chelsy at narinig ko ang pag buntong hininga niya, "Actually, no. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na kitain siya sa kulungan eh. Kung hindi lang para kay Syrah, hindi ako mag aabalang dalawin siya doon."



Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko, "Then why did you agree? Kung hindi mo naman pala kaya makita siya, bakit ka pumayag?"



Nakita ko ang tipid na ngiti na sumilay sa labi niya. Tumingin siya sa akin, saka hinawakan ang kamay ko. Dumako ang mata ko sa kamay niya na nakapantong sa kamay ko, at paminsan minsan na hinahaplos iyon.



"Because I'm a mother. Ang ina, kahit na may ayaw siyang gawin, para sa anak niya gagawin niya, kahit na sabihin natin ayaw mo. Kapag kasi may pamilya ka, lalo na pag ina aka, kalilimutan mo sarili mo para sa anak mo," nag angat siya ng tingin sa akin saka ako nginitian ulit.



Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa pag haplos sa kamay ko, "Eh paano ang gusto mo?"



"Ang importante lang naman sa akin, ay makita kong masaya ang anak ko kasama ang ama niya."



Inangat ko ang kamay ko para haplusin ko ang buhok niya. Dumako ang mata niya sa kamay ko na nasa uluhan niya ngayon.



"Pwede ba dito ako matulog ngayon?" Paalam ko at nakita ko ang paglaki ng mata niya.



"H-ha? Eh wala ka naman gamit eh. Saka saan ka matutulog dito?" Aligaga niyang tanong sa akin kaya hindi ko maiwasan matawa sa kanya.



Hinalikan ko siya bigla sa pisngi, "Biro lang, kalma ka lang ah."



Nag paalam na rin ako pagkatapos non. Pumasok muna ako sa kwarto kung saan natutulog si Syrah, saka hinalikan siya sa noo niya at inayos ang kumot niya.



"Ingat ka sa pag uwi," sabi ni Chelsy habang nag lalakad kami papunta sa gate ng bahay nila.



Namulsa ako ako saka hinarap siya, "Of course," nilapit ko ang mukha ko sa kanya, kaya napaatras siya ng bahagya, "Kailangan ko pa makita ang mag ina ko."



Nakita ko ang pamumula ng mukha niya pero agad din naman siyang yumuko.



"Umalis ka na nga!" Taboy niya sa akin at piangtulakan ako palabas ng gate nila, "Goodbye!" Singhal niya sa akin at sinaraduhan ako agad ng gate.



"I love you," natatawang sabi ko habang nakahawak sa gate.



Tinignan niya ako, "Che! Alis na nga!"



Inabot ko siya, at hinapit ko siya sa leeg. Bahagya pa siyang natigilan. Dumukwang ako para maabot ang labi niya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko, pero kalaunan din ay tinugon niya ang halik ko.



"I love you," mahinang bulong ko sa kanya.



Tumingin siya sa mga mata ko, "I love you too."



Weekend came at maaga aking gumayak para masundo ko ang mag ina ko sa Caloocan. Nag suot lang ako ng simpleng black maong pants at puting polo. Sinuklay ko muna ang buhok ko at nag pabango bago ko sinuot ang white Nike shoes ko.



It Will Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon