Chapter 29

755 21 1
                                    

Nagising ako ng may ngiti sa labi ko. Today, October, 17 finally Chelsy will now be my wife. Marami ang nangyari sa amin dalawa sa mga nag daan na taon. Maraming nag bago sa loob ng siyam na taon na hindi kami magkasama o nagkikita. Maraming dumaan na problema na kinailangan namin harapin mag isa, pero sa kabila ng lahat ng iyon may kapalit iyon na ligaya. Dahil ganon naman talaga ang buhay. Walang saya, kung walang sakit.



Sabi nga ng mga matatanda, sa hinaba haba ng prosisyion, sa simbahan pa rin ang tuloy.



"Sir, be readyin 5," anunsyo ng photographer sa akin.



Inayos ko ang pagkakatupi ng sleeves ng puting polo ko, bago ko sinuot ang itim na suit. I looked myself on the mirror, habang inaayos ang buhok. I was busy checking myself, nang may tumapik sa balikat ko.



"Hey man, congrats," nakangiting sabi ni Icerael sa akin. He was also wearing his Americana suit, at naka wax ang buhok niya. Siya kasi ang pinili kong best man ko sa kasal.



"Thanks," ngiting sabi ko. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ng hotel, "Where is Hilary? Hindi mo ba siya kasama ngayon dito?"



Icerael shrugged at namulsa pa, "She's with the bride of course. Kailangan kasi kasama sa photoshoot ng bride ang mga flower girls."



Napatango nalang ako at napatingin ulit sa salamin. Si Hilary at si Syrah ang dalawang cute at magagandang flower girls namin. Yung iba kasing kamag anak namin na babae, ay abay dahil sila Hilary lang naman ang mga bata. While si Axcel, siya ang ring bearer ko at yung isa ko pang pamangkin ang Bible bearer. Supposedly, si Jordan ang Bible bearer ko, but unfortunately, he needs to take a rest dahil kakagaling lang niya last month sa surgery.


Nag picture taking muna ako, kasama ang mga male entourage ko, saka ang mga magulang bago kami pumunta sa simbahan. Nag paiwan naman ang mga male entoruage sa hotel at nauna kami nila Icerael at nila dad sa simbahan.



As soon as I stepped inside the Church, ramdam ko ang pag bilis ng tibok ko. Ultimo pag butil ng pawis sa noo ko ay ramdam ko. Pumwesto kami sa may harapan ng simbahan. Nasa tabi ko si Icerael, habang sila mom ay nakaupo muna habang iniintay ang signal na pwede ng pumunta sa likod.



Pumwesto sa harapan ko si dad, "Son, be good to your wife and to your future children, okay?" Paalala niya sa akin.



Dahil siguro sa bilis ng tibok ng puso ko, tango nalang ang naisagot ko kay dad. I think he noticed na nawawala ako sa sarili ko, so he put his hands on my shoulder at bahagya iyon niyugyog.



"Don't be so stiff, young man," mariin na sabi niya kaya napababa ang tingin ko sa kanya.

It Will Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon