Chapter 28

776 25 0
                                    

"Ninong, kailangan ko po ba mag surgery?"



Mula sa X-ray na tinitignan ko, ay napaangat ang tingin ko sa inaanak ko na si Jordan. He's wearing his casr on his left leg at katabi niya ngayon si Carla, habang kaharap nito si Jayden na nakatingin kay Jordan.



Bumuntong hininga muna ako bago ko pinasok sa loob ng brown envelope ang X-ray niya. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko sa desk habang tinitignan silang tatlo.



"I suggest that you should do a surgery, as soon as possible," mahinahon kong sabi kay Jordan at kita ko ang takot sa mga mukha niya.



"Teka, Seb," napatingin ako kay Jayden, "Ang sabi kasi dati, simpleng pilay lang naman kaya cinemento ang binti niya para hindi magalaw. Ngayon, bakit kailangan ng surgery. Sorry, hindi ko nakukuha ang punto mo."



Tumango ako at napabuntong hininga ulit, "Sa ngayon, dahil sinemento nga ang binti niya para hindi magalawa, hindi halata na may fracture sa buto niya," kinuha ko ulit ang X-ray sa loob ng envelope at hinarap ito sa kanila, "As you can see, dito sa may bandang kaliwa, may nakikita kayong buto na hindi pantay. It's just a small bone at hindi siya agad agad mapapansin not unless sinuri talaga siya ng mabuti. Maliit lang naman siya, pero may bali pa rin ang binti niya," seryosong sabi ko habang nakatingin sila Carla at Jayden sa X-ray ng kanilang anak.



"Dalhin nalang namin siya ngayon sa ER," sabi ni Carla na agad naman sinagayunan ng kanyang asawa.



"Pero ma," sabay kaming tatlo napatingin kay Jordan na parang iiyak na, "A-ayoko po. Natatakot po ako."



"Jusmiyo, athlete ka anak. Normal na mabalian ka o mapilayan ka, lalo na football ang sports mo," sabi ni Jayden sa kanyang anak.



"I will just contact the surgeons and nurse, pero alam nila. Excuse me," paalam ko bago ako lumabas ng clinic ko para puntahan ang nurse ward.



"Excuse me, can you tell me kung meron available na operating room at surgeon at this hour?" Tanong ko sa unang nurse na nakita ko.



Agad siyang tumango sa akin, "Yes doc. Saglit lang po," sabi niya at tumango naman ako kaya tumingin siya sa kanyang monitor at nag tingin doon.



"As of now doc, open po ang operating room number 3, while si doc Hidalgo at doc Arellano po ang available," sabi niya at nag angat siya ng tingin sa akin.



Tinanguan ko siya ng may ngiti, "Thank you."



Umalis na rin ako para bumalik sa clinic ko. Pinaalam ko na sa kanila na may mga surgeon at may operating room na open ngayon, so I assist them going to the ER.



"Salamat pare ah. Buti nalang talaga at sayo kami pumunta. Mamaya kasi, hindi namin alsm na may bali na pala buto ng anak namin," sabi ni Jayden habang tinatapik tapik niya ang balikat ko.



Pinasok na sa loob ng operating room si Jordan, at naiwan kami dito sa labas. Ginaya ko sila na maupo sa gilid para hindi kami nakakaharang sa daan.



"I heard may bago kayong bahay ngayon," biglang sabi ni Carla kaya agad akong napatingin sa kanya.



"How did you know?" Sa pagkakalam ko kasi, wala pa akong sinasabihan, except sa pamilya ko of course.



She gave me this knowing look, "Duh, of course sinabi ni Chelsy sa akin. We still talk to each other from time to time."



Napatango naman ako.



It Will Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon