Chapter 22

113 7 20
                                    

Kasalukuyang nagdadrive si Kuya Yñigo papunta sa school para ihatid ako. Maaga siyang gumising,  mas maaga pa sakin kaya naabutan niya ang pag-alis ko kanina. Wala na akong nagawa kanina kung hindi hayaan siyang ihatid ako.


Hindi ako naimik habang nagmamaneho siya. Pasulyap sulyap siya sakin pero nanatili lang ang mga paningin ko sa daan. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko at tinignan kung may text si Andro sakin. Meron nga.


Andro:

Goodmorning, Baby! I'm waiting here at the carpark. Can't wait to see you, I love you.


Kinabahan naman ako sa magiging reaksyon ni Andro kapag nakita si Kuya. Kinakabahan din ako sa kung anong sasabihin ni Kuya sakanya mamaya. Paalisin ko man siya don ay hindi niya gagawin. Makikita narin naman niya ang pamilya ko mamaya kaya hahayaan ko nalang na magpang abot sila ni Kuya Yñigo.


"Hindi mo talaga ako iimikan?" Kuya Yñigo.


Hindi ako sumagot at kinagat ang ibabang labi ko.


"Please don't play mute on me, Zei..." he pleaded.

Napapikit ako ng mariin. Sakto naman na papasok na kami sa carpark. To be honest, I don't really feel like talking to anyone at home kaya nanatili lang akong tahimik lagi whenever they try to start a conversation. It was my on way of getting my sanity all together. May last resort to stay calm and to avoid a mental breakdown.

Kuya Yñigo parked the car and i saw Andro from the sidemirror walking towards our car. Ang gamit kasi ni Kuya na kotse ay ang ipinanghahatid sakin ni Manong. I grabbed my bag and gripped on the door.


"I'll get going, drive safe ,please.." i said and went out of the car. Pagkasara ko ng pintuan ng kotse ay ngiting ngiti akong nilapitan ni Andro. I was a bit late than usual today dahil medyo nalate ako ng ilang minuto ng gising.


"Goodmorning," he smiled and grabbed my bag.


Narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kotse at napalingon ako 'don. Si kuya ay nakatingin kay Andro na pasalubong na ang kilay niya. I sighed and held Andro's arm. Lumapit si Kuya samin at napabuntong hininga ako. It's rude if i won't introduce Andro, right?


"A-andro, this is my brother, Kuya Yñigo." Andro cleared his throat and offered his hand to Kuya for a handshake.


"Andro Teano, I'm her boyfriend." Tinanggap ni Kuya ang nakahandang kamay ni Andro at nagshake hands sila. Hindi padin nawawala ang kunot ng noo ni Kuya.


"Introduce him formally later, Zei.." Kuya shifted his eyes at me, "...Dad and Mom wants you to come for dinner later. See you later." Tinanguhan ni Kuya si Andro.

"Manong will pick you up later," ginulo ni kuya ang buhok ko at sumakay na sa kotse.


Inakbayan ako ni Andro at iginiya na papasok. Sa kabilang balikat niya dun nakasabit ang bag ko at ang kabilng braso ay nakaakbay sa balikat ko. May mga estudyante kaming nadaanan na nagbulungan habang nakatingin samin. Iba talaga ang sikat na isang 'to.


"What time will be our dinner with your parents?" He asked while we're both standing now infront of my classroom.

"Seven pm daw, sabi ni Dad kagabi.."


"Wow goodmorning lovebirds!" Bati ni Ishna nang dumaan siya sa gilid ko papasok sa room. Ginantihan lang siya ng ngiti ni Andro.

"I'll go to my class. See you later sa cafeteria?" Aniya.

The Pouring Tears Of The Evening Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon