Chapter 23

120 6 16
                                    


Dad was very impressed kay Andro. That night, they accidentally went on talking about business and Andro seems to know a lot about it that made my dad very impressed. Gustong gusto ni Mommy at Daddy si Andro pero si Kuya ay nanatiling suplado kay Andro.


I was really thankful for that dinner. It turned the tables. Okay na kami ni Daddy at kagabi ay nagsorry siya sakin ng kaming dalawa lang pagkaalis ni Andro. I'm beyond happy of what my father had decided.


Ngayon ay magkasama kami ni Andro sa isang café. Sinundo niya ako at maaga pa masyado para pumasok kaya dito na kami mag-aalmusal. Dala ko ang P.E uniform namin na nakalagay sa tote bag ko.


I ordered waffles and iced coffee for breakfast.


"Bakit hindi mo naman sinabi sakin yung tungkol sa America?" Seryosong tanong ni Andro.


I sighed and bit my lowerlip. Nakaka-kaba ang pagkaseryoso ni Andro. Ilang beses siyang nagtanong pero nagsinungaling ako kaya maiintindihan ko kung magagalit siya. Napayuko naman ako at pinaglaruan ang mga daliri na nasa ibabaw ng hita ko ngayon.


"I didn't want it to bother you..."


"I asked you so many times kung bakit ka laging wala sa sarili mo.." he sighed "...you said it was nothing. It was just about school pero hindi pala.."

"I-im sorry, I-i j-just can't..." tears started forming in my eyes that made my vision blurry.


"I thought we're in this together, Zyleigh. You should've trusted me hindi yung ikaw lang ang nagkikimkim ng problema.." napaangat ako ng tingin sakanya at napaawang ang labi niya. Inilipat niya ang upuan niya sa tabi ko at ikinulong ang mukha ko sa mga kamay niya.


"Stop crying please. Sh't im sorry, Baby.." he kissed my eyes filled with tears.


"Maiintindihan ko naman kung bakit ka nagagalit. I'm sorry.." napahikbi ako at nataranta siya lalo.


"No..no..I'm sorry, Baby. I understand that there are problems you should keep to yourself, but please sa susunod naman share it to me..." he wiped my tears with his thumb, "...It was hellish seeing you looking so sad everytime you're spacing out on our date. I couldn't stand seeing you like that," aniya sa malambing na boses.


"I'll try to be more open..."


He smiled and kissed my forehead.


"Yes, baby, please..." aniya, "...You will never be a burden to me. What bothers you, bothers me too.."


I wiped my face and let out a laugh after our little 'drama'. Bumalik siya sa pwesto niya kanina at nangalumbabang tumitig sakin. Sumubo naman ako ng waffle at habang nanguya ay natatawa ako sa itsura niya. Para kasi niyang sinasaulo ang mukha ko.


"Bakit ang ganda mo?" Namula ako sa sinabi niya.


"Genes?" I joked.


"Sobrang perfect naman ng genes n'yo.."


We finished eating and went to school. Hinatid niya ako sa room gaya ng araw araw na ginagawa niya. Naupo ako sa upuan ko at maya maya ay dumating ang teacher namin.


She started her lesson and it was a little difficult kahit napag-aralan ko 'yon. Ipinasa na namin ang mga assignments namin. Sa ilang subjects naman ay may quizzes. Pero napansin kong wala si Ishna.


Kinalabit ko si Dexie, "Asan si Ish?" Tanong ko


"Nakita ko 'yon kanina. Malay ko kung saan nagsuot," kibit balikat niya.


The Pouring Tears Of The Evening Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon