PROLOGUE

666 37 33
                                    

Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga ko na 'to ngayong araw habang nakatulala sa kawalan at habang nagtuturo ang teacher namin ngayong last subject.

"Ms. Andrada"

Napatayo ako at nawala sa pagkatulala dahil sa pagtawag ng teacher namin sa pangalan ko.

"Answer" sabi niya habang malamig na nakatingin sakin. Napansin siguro niya ang pagkatulala ko sa klase niya, paano ko sasagutin kung pati ang tanong hindi ko naman alam dahil hindi nga ako nakikinig.

"I'm sorry hindi ko po alam" sabi ko

Hindi ko naman kasi talaga alam dahil hindi ako nakinig aminado naman ako, sobrang daming nagulo sa isipan ko pati homeworks wala akong nagawa ni isa, iba talaga epekto ng Boyfriend ko nakakasira ng kinabukasan.

"Pay attention to my class! Ayoko ng patula tulala! Class dismissed." Sabi nito at saka lumabas sa classroom.

Inayos ko ang mga gamit ko at sinukbit sa balikat ko ang bag ko. Napansin ko namang nakatayo sa gilid ko si Dexie at Dexter.

"Uy ayos ka lang?" Tanong ni Dexie habang hawak ang strap ng bag niya

Gustuhin ko mang sabihing hindi pero hindi magandang lugar ang classroom para umiyak kaya parang sipon lang na hinigop pabalik ang mga luhang nagbabadyang magbagsakan.

"Oo, uwi na 'ko" tipid kong sagot at lumabas na

Ramdam ko ang bigat ng damdamin ko habang papunta sa parking lot kung nasaan ang sundo ko, iba ngayon Zyleigh hindi ka na sasabay sakanya. Pagkadating ko sa parking lot nakita kong nakaway si Andro sakin at agad akong lumapit.

"Hey you're not replying and answering my calls, are we good?" Tanong niya at saka pinindot ang susi ng kotse na nakapagpatunog nito.

Ilang beses siyang tumawag sakin kahapon, pagkauwi, after dinner, madaling araw at umaga bago pumasok, and dami niya ring messages pero hindi ko nireplyam kahit isa. Matututo ka naman palang magtiis pag nasaktan ka, matututo kang tiisin yung mga nakasanayan kapag niloko ka.

"Hindi ako sasabay" sabi ko at umiwas ng tingin

"Why? Your dad--"

"Let's break up," malamig kong sabi

Agad namang napalitan ng kalituhan ang mukha niya wondering what's happening or what im saying.

"Zei what the hell? May problema ba? Anong problema para maayos natin" Hinawakan niya ang mga balikat ko.

May problema? Oo alam mong may problema gago ka! Ikaw yung problema! Alam mo yung problema pero ginaganito mo pa rin ako!

"Walang problema, Andro, maghiwalay na tayo"

"Zei naman you're bein-"

"Thank you" malamig kong sabi at tinalikuran na siya

Thank you sa pagpapatawa, pagpapasaya, pagpapakilig at pagpapaniwalang mahal mo talaga ako.

Ilang beses pa niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon nakita ko ang sasakyan na susundo sakin at agad na sumakay, habang umaandar ang sasakyan nagbagsakan na ang mga luha ko.





Tangina pinagpustahan ka lang Zyleigh!

The Pouring Tears Of The Evening Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon