Chapter 17

126 10 19
                                    

Napakurap kurap si Andro sa sinabi ko at malapad na ngumiti. Uminom ulit ako ng tubig at hinila hila ang braso niya palakad sa paligid para maghanap ng susunod na masasakyan.

Mabilis man akong nakabawi sa hilo, hindi ko maiwasan na matuwa at kiligin sa tuwing magpapakasweet sakin si Andro. Ang pag-aalala sa mukha niya, pagkataranta, pagmamadali at iba pa bang mga ekspresyon na hindi ko aakalain na ikatutuwa ng puso ko


Kaunti nalang....


"Dito nalang muna tayo!" Turo niya sa carousel.

Napabusangot ako at itinuro ang rollercoaster na nasa kaliwang bahagi ng amusement park.

"Dito na!"

"Mahihilo ka lang d'yan! Dito na tayo.." pagpipilit niya.

"Wala naman kasing thrill d'yan..."

Bumuga siya ng maraming hangin na parang sumusuko sa argumento'ng kung saang ride ba kami sasakay. Sa carousel na paikot ikot o sa mabilis na rollercoaster. Dahil nga sa pagkahilo ko kanina parang ayaw niya na rin akong paglakarin ngayon.

"Baka kasi mahilo ka lang ulit d'yan! Aish!"

"Sumakay nalang tayo sa dalawa! Carousel muna tapos rollercoaster, Please? Ngayon lang ako nakapunta sa ganito e.." ngumuso ako at napabuntong hininga siya saka inabot ang kamay ko para maglakad at pumila sa carousel.

Habang nakapila kami ay inilabas niya ang phone niya saka itinapat sakin ang camera non. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko dahil baka ang pangit kong tignan!

"Come on, Show your face, Miss Pretty." Sabi niya habang nakatapat padin ang camera sa harap ko.

Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri'ng naka harang sa mata ko at kitang kita ko ang malapad na ngiti ni Andro habang hinihintay na tanggalin ko ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko.

"Baka ang putla ko pa..." mahinang sabi ko.

"Hindi ka po maputla, Sige na, let me take a picture of you.."

Hinawakan niya na ngayon ng isang kamay niya ang isang kamay ko na nakaharang sa mukha ko. Nagulat at napaigtad ako dahil sa elektrisidad na dumaloy sa balat ko dahil sa hawak niya..

Andro's effect huh...

Dahan dahan kong ibinaba ang dalawang kamay ko at ngiting ngiti naman si Andro na pinicture-an ako. Gumalaw ang linya at umabante kami pero humirit pa din ng ilang pictures si Andro habang halos napupunit na ang labi niya kakangiti...

"B-bakit mo ba ako pinipicture-an ha?" Nahihiyang tanong ko.

"Ipopost ko sa accounts ko para tigilan na akong i
chat ng mga babae.." nakangising sabi niya

Tumaas naman ang kaliwang kilay ko. So pampataboy niya lang ba ako ng babae? Pambihira.

"So pampaalis ako ng mga babae mo ganon?" Mataray kong tanong at nanlaki naman ang mga mata niya saka humalakhak

"It's not like that ok? I just want to flex the girl I like sa social media..."

"Pero sabi mo kanina..."

Hindi ako natapos dahil sumagot na agad siya at pinutol ang sasabihin ko dapat.

"It's not like that, I was just kidding about the girls ok? Let's go..." sabi niya at iginiya ako papasok dahil kami na pala ang sunod na sasakay.

The Pouring Tears Of The Evening Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon