Kung hindi na ako

26 4 0
                                    

Alam kong darating din ang araw na bigla kang magbabago
Alam kong darating din ang araw na iba na ang mag papasaya sayo
Alam kong darating din ang araw na iiwan mo ako
Alam kong darating din ang araw na hindi na ako ang pipiliin mo

Pero sana kung tuluyan ka nang mag bago
Huwag mo naman sana akong saktan ng husto
Kung dumating man ang araw na iba na ang magpapasaya sayo
Huwag mo naman sanang kalimutan kung paano kung napasaya ang tulad mo

Kung dumating man ang araw na iiwan mo ako
Sana ang ipalit mo sa akin ay ang totoong mag papasaya sayo
Kung dumating ang araw na iba na ang pipiliin mo
Sana ang piliin mo ay handa kang piliin hanggang dulo

Kung dumating man ang araw na iba na ang iyong mamahalin
Sana ikaw rin ang kanyang mahalin at piliin
Kung dumating man ang araw na hindi na ako ang mag papatibok nang puso mo
Huwag mo sanang kalimutan kung paano kong pinatibok ang iyong puso

Kung dumating man ang araw na hindi na talaga ako
Huwag mo sanang ilihim sakin ang nararamdaman mo
Huwag mo sanang ilihim sakin na may iba nang nag papasaya sayo
Kahit na ikadurog pa ito nang sobra ng puso ko

Blah Blah TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon