Hoyy ikaw!! Oo ikaw na mahal na mahal ko
Ikaw na kasama sa mga pangarap ko
Ikaw na nag papasaya sa akin araw araw
Ikaw na gusto kong kasamang bumuo ng pamilyang pinapangarap koGusto ko lang sabihin sayo na kuntento na ako sayo
Gusto ko lang sabihin sayo na wala na akong ibang mamahalin pa bukod sa pamilya ko
Gusto ko lang sabihin sayo na Hinding hindi kita ipag papalit sa kahit na sino
Kahit pa dapuan ako ng maraming maraming tukso ikaw parin ang pipiliin koSana makuntento ka na sa akin
Sana kahit maraming nag papapansin sayo ay huwag mo silang pansinin
Sana wag mo akong ipag palit sa iba
Kahit na sa akin ay nakaka angat pa syaYan ang mga hiniling ko sayo noon
Pero hindi mo nagawang tuparin ang mga yan ngayon
Pinapasaya naman kita pero bakit hindi ka pa nakuntento
Bakit nag hanap ka pa ng ibang mas mag papasaya sayoBakit kailangan mo pang mag loko
Gayong binigay ko naman lahat ng gusto mo
Pero bakit kailangan mo pang hindi makontento
Bakit kailangan mo pa akong ipag palit sa ibang taoMinahal lang naman kita ah
Pero bakit lahat ng ginawa ko sayo ay iyong binabalewala
Masakit, sobrang sakit na iyong taong akala mong mahal na mahal ka
Sa huli iiwanan ka rin palaPero nais ko lang malaman mo na
Kahit ako ay iyong binalewala
Mahal na mahal parin kita
At hangad ko kung ano ang sayo ay mag papasayaSana lang hindi ka nya saktan
Sana lang alagaan ka nya kagaya ng kung paano kita inalagaan
Sana lang magawa ka nyang pasayahin
Dahil hindi ka naman mag hahanap ng iba kung naging masaya ka sa akin