Nagtataka kami kung bakit ka lumayo
Nagtataka rin kami kasi bigla ka nalang nagbago
Na Para bang hindi na ikaw yung nakilala naming tao
Na para bang hindi mo narin kami kilala bilang mga kaibigan moNagtataka ako at nasasaktan din
Dahil bigla mo nalang akong hindi pinansin
Alam mo namang sa aming lahat ako ang mas masasaktan
Dahil alam mong ako ang mas malapit sayo,kaibiganAlam mo bang sa paglayo mo
Nakaramdam kami ng sakit at galit sayo
Lalo na nang makita naming iba na ang mga kasama mo
At Iba na rin ang nagpapatawa sayoMasaya ka ba habang sila ang kasama mo?
Masaya ka ba sa iyong pagbabago
Masaya ka bang nasa itaas kana
Habang kami ay nasa ibaba paPero sana kapag kami na ang magbago
Huwag ka na sanang lumapit sa amin na dating mga kaibigan mo
Dahil wala ka nang tunay na mga kaibigan Simula ng ikaw ay lumayo
Wala ka nang mga kaibigan Simula ng tumalikod ka samin at naglakad palayoMaaaring masaya kang kasama sila
Pero hindi mo makikita sa kanila
Ang mga kaibigan na tunay na nag mahal sayo
Ang mga kaibigan na tinanggap ang drama sa buhay moOo nga at masaya ka habang kasama mo sila
Pero hindi mo sa kanila makikita
Ang tunay na saya na kami lang ang makakagawa
Ang tunay na saya na hindi mo na makikita mula ng pinili mo sila