Umiiyak ka na naman
At sya na naman ang dahilan
Bakit ba palagi mong iniiyakan
Ang taong palagi kang sinasaktanAlam mo bang sa bawat pag patak ng luha mo
Ay sya ring pag kawasak ng puso ko
Hindi ko kasi kayang makita na nasasaktan ka
Hindi ko kayang makita na may luha sa iyong mataHindi ko maintindihan kung bakit sya
Nakakayang saktan ka
Hindi ko maintindihan kung bakit ang taong sakin ay napaka importante
Ay kaya nyang saktan ng ganon lang kadaliHindi mo naman dapat iniiyakan ang babaeng katulad nya
Dapat pa nga ay Kalimutan mo nalang sya
Dahil meron pang isang tao na mas mag mamahal sayo kesa sa kanya
Meron pang isang tao na pasasayahin ka na hindi nya nagagawaAlam mo ba kung sino ang tinutukoy ko?
Ako yun, dahil matagal na kitang mahal mga bata pa lang tayo
Kaya lang hindi ako ang mahal mo
Dahil kaibigan lang ako para sayo