ALAALA

14 1 0
                                    

Parang kahapon lang magkasama pa tayong dalawa
Pero ngayon may kasama ka nang iba
Parang kahapon lang hawak ko pa ang mga kamay mo
Pero ngaun pinag mamasdan ko nalang kayong mag lakad papalayo

Natatandaan ko pa noong una tayong nag kakilala
Hindi ko maintindihan kung bakit ako sayo napatulala
Siguro dahil sa angkin mong maamong mukha
Lalo na sa mga ngite mong nakaka akit naman talaga

Pero ngayon nasaan ka na?
Bakit may mahal ka nang iba?
Parang kahapon lang sinabi mo pa sa akin na mahal mo ako
Pero bakit ngayon may iba nang nag papasaya sayo

Parang kahapon lang sobra pa nating saya
Pero ngaun puro nalang yon alaala
Parang kahapon lang gustong gusto ko ang iyong mga halik
Pero ngayon pinapanalangin ko nalang na Sana ikaw ay bumalik

Kung panaginip lang sana ito baka sakaling
Mayakap kita ng mahigpit na mahigpit kapag ako ay nagising
Pero hindi para itong isang bangungut na unti unting papatay sa akin
At ikaw ang bangungut ko Simula ng nakalimutan mong Ako lang Ang iyong mamahalin

Ito lang ang masasabi ko sayo mahal na mahal kita
Kahit sobrang ang sakit sakit na
Mahal parin kita kahit iba na ang mahal mo
At palagi lang akong nandito pag kelangan mo ako

Blah Blah TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon