Minsan ba tinanong mo na ang sarile mo
Kung totoo bang minahal mo ako
O isa lang akong laruan para sayo
Na pwede mong iwan pag sawa ka ng maglaroNi minsan ba inaalala mo ang mga alaalang kasama ako
Yung mga masasayang alaalang tayo mismo ang bumuo
Ako kasi kahit na sobrang sakit na
Inaalala ko parin lahat ng masasayang alaalang mag kasama tayong dalawaNag tatanong ako sa mga bituin
Kung ano ang Mali sa akin
Kung ano pa ang kulang
Gayong pinunan ko naman ang lahat ng puwangNaaalala ko noong tayo pa
Sobra mo namang saya
Kapag tayo ay magkasama
Kitang kita ko pa ito sa iyong mga mataPero hindi ko inaasahan
Na bigla kana lang mang iiwan
Ang saya naman nating dalawa diba
Pero bakit kailangan maging alaala nalang ito sa ating dalawa