CHAPTER 6
Maaga ako nagising kinabukasan at naghanda na para sa trabaho.
Hindi ko alam pero masyado naman akong excited, sobrang aga pa.
Sinuot ko ang aking bagong biling itim na unirpome. Tiningnan ko rin ang sarili sa salamin, perfect!
Kinuha ko na ang bag ko at sumakay ng papuntang Salazar's.
Nang makapasok ako ay maraming bumati sa akin kaya binati ko sila pabalik at dumiritso na sa elevator.
Isasara ko na sana pero may kamay ang humarang dito jaya napaayos ako ng tayo nang makita kung sino ang lalaki.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mapatingin ako sa mata nya.
"Goodmorning." Bati nya at ngumiti.
"Morning." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.
Tahimik lang kami, nakatingin lamang sa harap. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango nya, tela ba nagsitayuan ang nipples ko.
Hangal! Ano nalang kaya ang iisipin ni Sir Zeonel na minamanyak ko sya sa isip ko.
Napahagikhik ako kaya napatingin sa akin si Sir Zeonel.
"May naalala lang po." Paglusot ko.
"You're so early." Sabi nya.
"Maaga lang pong nagising." Sabi ko dito.
"Namiss mo lang agad ako." Napanganga ako sa sinabi nya at bumukas na ang elevator.
Lumabas na sya at nilingon muna ako at may sinabi pa bago makalayo.
"By the way I like your new hair color. Bagay sayo." Kumindat sya at naglakad na muli.
Shet ang harot! Kahapon pa sya kindat kindat.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang pumasok ako sa opisina nya.
Dumiritso na ako sa table ko at nagsimula nang magtrabaho. Pansin ko ring panay ang titig nito sa akin pero hinayaan ko lang sya.
"Coffee please." Rinig kong sabi nya kaya napatingin ako dito, abala ito sa pagpipirma.
Tumayo na ako at tinimplahan sya ng kape.
"Here." Sabi ko at binigay ang kape.
Inangat nya ang tingin nya at ningitian ako.
Pa-cute, ew!
Bumalik na ako sa pwesto ko, gusto kong tumili sa kilig pero nakakahiya naman.
Ilang oras kaming abala sa trabaho nang tumayo sya at nilapitan ang pwesto ko.
"Let's eat lunch." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.
"H-ha?"
"Lunch. Let's eat." Ulit nito.
"Together?" Tanong ko kaya nagkibit balikat lang sya.
"I won't mind if you say, no." Sabi nya kaya mabilis akong umiling.
"Yea sure. I'm in." Sabi ko at kinuha ang bag at tumayo.
Nang makalabas kami ng elevator ay panay ang bulongan ng mga employees.
"Are you really like this? Inviting your secretary to go lunch with you?" Di ko mapigilang tanungin sya pero hindi sya sumagot.
Pumasok kami sa isang malapit na restaurant.
Nag-order kami at nagsimula nag kumain.
"So..." Napatingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"Do you have boyfriend?" Tanong nya.
Umiling ako, "Wala." Sagot ko rito.
Napangiti naman sya.
"It's good then." Sabi nya at kumain na ulit.
May pinag-usapan pa kami tungkol sa meetings nya. Lahat talaga sinaulo para sa kanya.
Ganyan ako kabait na sekretarya.
Nang matapos na kami kumain ay lumabas na kami sa restaurant at sabay pumasok.
"Thanks for the threat, by the way." Sabi ko at tumango sya.
Umupo na ako sa silya at nagtrabaho na ulit.
Nang dumating ang gabi ay nag-inat ako ng braso. It's a long day.
Tumayo na si Sir Zeonel kaya tumayo na rin ako. It's already 8PM and it means off ko na.
Pero ganun nalang ang pagkamot sa ulo ko nang makita kong malakas na umuulan at wala akong dalang payong.
Umupo nalang muna ako sa waiting shed at hinintay tumila ang ulan.
Wala rin masyadong taxi ang dumadaan kaya nahihirapan ako.
Nagulat nalang ako nang may huminto sa tapat kong itim na kotse. Bumukas naman ang bintana nito.
"Hop in." Sabi ni Sir Zeonel. Di pa sya umuuwi?
"Ay nako wag na po. Magtataxi nalang ako." Sabi ko dito pero hindi sya nakinig at lumabas ng kotse na may dalang payong.
Sa huli ay nakumbinsi nya ako at nakita na lamang ang sariking tinuturo ang daan pauwi.
Nang makarating kami sa labas ng apartment ko ay nilingon ko sya.
"Dito nalang. Salamat sa paghatid sa akin Sir Zeonel--"
"Just Zeo." Sabi nya.
"Sige Sir Zeo-"
"Just Zeo please, cut the sir." Sabi nito.
"Z-zeo, thank you po sa paghatid sa akin. Nag abala ka pa." Sai ko rito.
"It's fine." Sabi nya.
"Mauna na po ako." Sabi ko at tumango sya kaya binuksan ko na ang kotse.
"Goodnight." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya.
Namula naman ang pisngi ko.
"Goodnight." Sabi ko nang hindi sya nilingon.
Para naman akong timang na ngumingiti papasok sa apartment ko.
Nag tuluyan nakong makapasok ay tumili ako sa kilig at hindi masayang natulog.
-
To be continued
YOU ARE READING
SSS#1: Stripped (on-going)
General FictionSALAZAR SIBLING#1: ZEONEL EVO SALAZAR 'ZEO'