CHAPTER 9
Ilang oras na kaming tahimik ni Zeo. Walang nagsalita pero ramdam ko at minsan nakikita ko syang sumusulyap sa akin. Parang gusto nya akong kausapin.
Pero wala naman talaga kaming dapat pag-usapan deba? Sinabi lang naman ng fiancé nya ang totoo, no problem with that. She's being honest with me.
Maybe I'll be thanking her for she did? Para naman aware ako, hindi ako dapat kinikilig sa dapat ikakasal na. Pait akong napangiti.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa ginagawa. Nang dumating ang alas 8 ay naglinis na ako ng table at tumayo, pero nilapitan ko muna sya.
"Una na ako." Napaangat sya ng tingin. Tumayo sya at tiningnan ako.
"You're mad." Sabi nya. Umiling lang ako.
"No." Sabi ko dito pero hindi sya kumbinsido.
"I'm sorry for what happened earlier." Sabi nya, sincere talaga ang mukha nya.
"Di ka dapat nagsosorry, wala lang naman 'yon." Sabi ko dito pero parang nasaktan sya sa sinabi ko.
May mali ba sa sinabi ko?
"Aalis na ako." Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad pero bago pa ako makalabas ay hinuli nya ang kamay ko at hinalikan sa mga labi.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Tumingin ako dito, pero nakapikit ang kanyang mga mata habang ang akin ay nanlaki.
Bumitaw na sya sa halik pero walang pagsisisi sa mga mata nya sa ginawa.
"B-bakit mo ginawa 'yon?" Taka kong tanong. Hindi ako makaget over sa ginawa nya.
"I like you." Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nagkarerahan dito sa loob.
"Pero may fiancé ka." Sabi ko dito.
"I didn't proposed." Sabi nya kaya napatitig ako sa mga mata nya.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Her parents talked to me that they want me to marry their daughter. Pero tumanggi ako." Sabi nya. Totoo kaya ang sinabi nya?
"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Tanong ko.
"Kasi gusto kita." Sobrang bilis talag ng puso ko.
"Pero boss kita." Mababa ang aking tinig.
"I don't care." Namula ako sa sinabi nya.
"I know you're jealous. Don't be. Di ko sya gusto." Sabi nito.
Tumango ako sa sinabi nya.
"Let's go. Ihahatid kita." Sabi nya at hinila ang aking kamay.
Tiningnan ko lang ang kamay naming magkahawak palabas nang Salazar's.
Maraming nagbulong bulongan dahil sa magkahawak naming kamay. Hindi ako makapagreklamo dahil gusto ko ang ginagawa nya.
Nang makasakay kami sa kotse nya ay napatingin ako sa kanya, ganun din sya sa akin.
Ngumiti sya kaya ngumiti rin ako. His confession... He really likes me.
Nang makarating kami sa labas ng apartment ko ay mabilis syang bumaba sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat." Sabi ko at lumabas na rin.
Nasa tapat na kami ng pinto ko.
"Gusto mong pumasok?" Tanong ko pero umiling lang sya.
"Goodnight." Sabi nya.
"Goodnight. Ingat ka sa byahe." Tumango sya at ilang segundong nakatitig sa mukha ko.
Maya-maya pay hinalikan nya ako sa pisngi.
"Dream of me." Sabi nya at tumalikod na.
Namumula ang pisngi ko habang nakatanaw sa papalayong kotse nya.
Isang gabi na namang masayang makakatulog nito.
-
To be continued
YOU ARE READING
SSS#1: Stripped (on-going)
General FictionSALAZAR SIBLING#1: ZEONEL EVO SALAZAR 'ZEO'
