CHAPTER 10

422 3 0
                                        


CHAPTER 10

Day off ko ngayon pero hindi ako masaya. Nalukot ang mukha ko dahil hindi ko makikita si Zeo.

Naadik na talaga ako sa mukha ng lalaking 'yon. Pati ang sweetness overload.

Ewan ko ba pag talaga day off ko matagal ang oras, nakakainis.

Agad kong hinanap ang selpon ko nang mag ring ito. Baka si Zeo na!

Nang mahanap ko ay agad kong sinagot.

"Hello?"

"Buddy!" Nadismaya ako nang makita ko kung sino ang caller.

"Oy ikaw pala..." Best friend ko 'to since elementary, si Lucas.

"Oh bakit parang nalungkot ka bigla." Umikot ang mata ko.

"Wala. Teka bakit ka tumawag?" Tanong ko dito.

"Bumisita lang naman ako sa apartment mo pero wala ka dito." Sabi nya kaya napatayo ako.

"Nasa Pilipinas ka?" Nanlaki ang mata ko. 2 years na kaming hindi nagkikita dahil pumunta sya ng ibang bansa.

"Yes, yes."

"Hoy namiss kita!" Sigaw ko dito.

"Namiss din kita pero san ka na ba ngayon? Pupuntahan kita." Maligayang sabi nito sa kabilang linya.

Mabilis kong binigaya ng lokasyon ko sa kanya.

"Baka bukas na ako pupunta, nakalimutan ko may aasikasuhin pa ako. Bukas ha, dapat pagdating ko dyan may masarap na nikuto ka na." Nagrequest pa ang baliw.

"Oo buddy." Sabi ko dito.

"Thank you buddy, I love you!" Sabi nya at binabaan ako.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko, minsan nang nagtapag si Lucas sa akin, at ganun rin ako.

Oo gusto ko si Lucas, noon.

Di ko na alam ngayon. Nangako pa ako noon na kung babalik sya ay pag-uusapan namin tungkol sa aming dalawa.

Pero bakit ngayon? Nag aalinlangan na ako?

Noon nga, excited akong umuwi sya pero ngayon para nagdadalawang isip na ako?

Dahil ba 'to kay Zeo? Talaga bang gustong gusto ko sya?

Napabuga ako ng hangin.

Mamaya ko na iisipin 'yon. Kelagan kong mamili ng lulutuin ko bukas.

Kumuha ako ng tuwalya at lumabas na para maligo.

Nang matapos ay nagbihis kaagad ako. Nagpantalon lang ako at nag v-neck na shirt kulay pink at nagdoll-shoes.

Kinuha ko ang cellphone at pitaka bago lumabas at pumara ng masasakyan.

Nakarating na ako ng mall kaya dumiritso ako sa meat section.

"Look who's here." Napalingon ako sa pamilyar na tinig ng babae.

Automatikong tumaas ang kilay ko nang makita ko ang kuno 'fiancé' ni Zeo.

Ngumisi lang ako at inikutan sya ng mata. Tatalikod na sana ako nang makita ko si Zeo sa likod nya, pumipili ng karne.

"Babe, your secretary is here." Agad napatigil si Zeo at tiningnan ang tiningnan ang sinabi ng babae. Hindi ko parin alam kung anong pangalan nya.

"Chloe..." Bakit magkasama sila? Akala ko ba walang namamagitan sa kanilang dalawa?

Imbis na ipahalata na nasasaktan ako at tinguan ko lang si Zed at lumayo.

Ilang minuto muna akong nag-ikot ikot sa loob para mamili ng ibang sangkap bago bumalik sa meat section.

Wala na sila rito,

Iniisip ko pa lang kung ano ang ginagawa nila pagkauwi, ang sakit.

Hindi nya ba talaga gusto ni Zed ang babae? Sino ba talaga ang gusto nya?

-
To be continued

SSS#1: Stripped (on-going)Where stories live. Discover now