CHAPTER 4

488 8 0
                                    

CHAPTER 4



"You're hired." Sabi ng lalaki kaya nanlaki ang mata ko.

"Wala bang interview interview?" Nagsimula nang magbulong bulongan ang mga tao, na kesyo ang swerte ko daw.

"Do you want me to repeat?" Tanong nito.

Umiling ako at ngumiti abot tenga.

"Kailan ako magsisi-"

"Right now. Come to my office." Sabi nya at tinalikuran na nya ako.

Sumunod naman ako sa kanya at pumasok sa elevator.

Kinabahan akong tumingin sa kanya. Natatakot ako na baka malaman nyang ako yung babaeng nabutasan nya nong isang linggo.

"I think, you're familiar." Sabi nya kaya nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-ha?" Di ko alam ang sasabihin ko.

"Nevermind." Nakahinga ako ng maluwag pero ramdam kong nakatingin sya sa akin ngunit umiling nalang sya, ako nama'y nakayuko.

Buti nalang bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at dumiritso sa opisina nya.

"This is your table from now on. Throw the things that are not useful. Just go to my office if you need anything." Sabi nya kaya tumango ako.

I don't have any experience being an assistant. Pero baka makayanan ko? Baka? Di ko alam.

Umupo na sya sa pwesto nya na malapit lang sa akin. Hindi ako makapag-focus nito dahil kanina pa sya nakatingin sa akin.

"M-may problema po ba boss?" Medyo nataranta sya nang magsalita ako.

"N-nothing..." Sabi nito kaya tumango nalang ako.

Baka nakilala na nya ako? Pero nakasuot kasi ako ng maskara. Mygad!

Ayos lang naman malaman nya pero wag ngayon baka matanggal ako. Tsaka nakakahiya rin oy!

Nagsimula na ako maglinis sa table. Medyo di naman mahirap linisin.

Nang matapos ay tumayo na ako at dumiritso sa mini-kitchen.

Nagtimpla ako ng kape at binigay kay boss.

Zeonel Evo Garcia- Salazar

Ang ganda naman ng pangalan ng lalaking ito at sobrang yaman. CEO ba naman sa gantong edad? Ang pogi pa!

"What are you looking at?" Napaiwas ako nang tingin nang mapansin nyang naglalaway ako sa kanya.

"Wala po sir." Nagsimula na akong manglakad at umupo sa table ko.

Sinulyapan ko sya muli. Kahit naman high school lang tinapos ko ay matalino ako 'no! Palagi nga akong nasasali sa top students.

Ilang oras akong nagbasa basa nang mapansin kong tumayo si boss.

"You're half day now since it's your first day. You can go home now." Sabi nya habang tinitingnan ako.

Tumango ako sa sinabi nya. Salamat naman!

"And by the way next time, wear something formal tomorrow. I mean wear something you looked as my secretary." Sabi nya at hinagod ang tingin sa akin.

Napalunok sya nang mapadaan ang mata nya sa dibdib ko. Pasimple ko itong tinakpan kaya napangiwi sya.

Umiwas naman sya ng tingin. Aba aba!

"Kasing laki." Mahinang bulong nya kaya nangunot ang noo ko.

"Ang alin sir?" Tanong ko sa kanya.

"H-ha? Did I say something?" Tanong nya at malikot na rin ang mata.

Ngumiti nalang ako. Sarap kutusan ah!

Pero ang pogi pogi nya talaga.

Nagsimula na sya maglakad pero huminto muna sya saglit.

"By the way..." Humarap sya sa akin.

"Flirt in my office isn't allowed. So watch your moves." Sabi nya at kinindatan ako.

Gago, sya lang kaya 'tong flirt.

-
To be continued

SSS#1: Stripped (on-going)Where stories live. Discover now