CHAPTER 1
[Chloe's POV]
Hawak hawak ang tiyan dahil sa sakit nito.
Ilang araw na akong walang kain dahil natanggal ako sa trabaho. Napalayas na rin ako sa nirentahan kong kwarto dahil wala naman akong pambayad.
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad.
Kelangan ko maghanap ng trabaho kundi ay mamamatay ako sa gutom.
"Chloe?" Narinig ko ang pagtawag sa akin ng bakla.
Napalingon ako dito at kumunot ang noo. Sino 'to?
"Ako 'to, si Marimar." Nagulat ako sa sinabi nya.
Ibang-iba na kasi ang mukha nito. Mukhang nagparetoke ata.
Ilong nya noon nya noon na parang sinagasaan ng bulduser ay ngayon tangos tangos kala mo manunusok.
Mahahaba ang false lashes nito at makapal ang blush on. Ito na nga si Marimar.
"Ibang iba na mukha mo ah. Sobrang sexy mo na rin!" Komento ko sa katawan nya.
"Hay alam mo na. Malaki sahod ko beh."
Ew beh?
"Teka bakit parang namumutla ka girl?" Tanong ng bakla.
"Ilag araw na akong walang makain 'beh'." Napangiwi sya sa sinabi ko.
"Tara kain muna tayo."
Hay mabuti naman naisipan nya 'yon. Kapitbahay 'to namin noon na sobrang takaw sa mga pogi.
Yung tipong may makikitang pogi--at may feeling pogi nilalantakan nya agad ito.
Napaikot nalang ako ng mata.
Nang malagay ang inorder namin ay mabilis akong kumain.
Gutom na gutom na talaga ako buti nalang may anghel na dumating kahit mukha syang demonyo.
Blessing in disguise narin.
Mabilis naubos ang kanin ko.
"Baka gusto mong dagdagan ang kanin ko?" Sabi ko dito.
Mabilis syang nag-order ng dalawa pa pero hindi pa 'yon sapat kaya nagdagdag pa sya ng dalawa tsaka ulam.
Masaya akong napahawak sa tiyan ko. Umamay busog na ako!
Tatayo na sana ako ng pigilan nya ako.
"Hoy san ka pupunta? Salamat ha." Sarkasmong sabi nito.
"Maraming salamat ha pero kailangan ko nang umalis maghahanap pa ako ng trabaho." Sabi ko at nagsimula ng maglakad.
"May alam akong pwede mong applyan..." Sabi nya kaya napahinto ako at unti unti syang nilingon.
Tumayo sya at nilapitan ako.
"Magada ka, makinis balat mo at fresh." Sabi nya kaya parang alam ko na ang trabahong tinutukoy nya.
"Kung ano yan ha wag na wag mong itutuloy." Sabi ko sabay iling.
"Malaki kikitain mo. 5k pataas kada gabi." Napatingin ako sa kanya.
Medyo napaisip ako. Kelangan ko ng pera.
"May waitress slot pa ba?" Tanong ko ngunit umiling sya.
"Isang gabi lang maooffer ko sa'yo. 100,000 sa isang gabi." Nanlaki ang mata ko sya sinabi nya.
-
To be continued
YOU ARE READING
SSS#1: Stripped (on-going)
General FictionSALAZAR SIBLING#1: ZEONEL EVO SALAZAR 'ZEO'