CHAPTER 12

399 8 0
                                    


CHAPTER 12

Nagulat ako dahil narito sya.

Pero ano ang ginagawa nya dito?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Zeo na ngayo'y natamaan na ng ilaw ang mukha.

"You say, he's a friend, isn't he?" Tanong nya.

Di ko maiwasan ang sarili kong ikutan sya ng mata. Bakit sya nagtatanong?

I smirked. "Ano naman sa'yo?" Tanong ko dito na para bang hinamon sya ng tingin.

Iniwas nya ang tingin nya at lumunok.

"I said. I like you." Sabi nya kaya sarkasmo akong napatawa.

"Gusto mo ako? Talaga? So ilang babae ba ang nagugustuhan mo?" Tanong ko dito. Gusto kong sumabog sa inis. Baka di ko mapigilan ang sarili ko, baka masuntok ko sya.

"Ikaw lang." Bumilis ang tibok ng puso ko pero pilit ko itong iniwaksi.

"Lokohin mo sarili mo, wag lang ako." Sabi ko dito at binuksan na ang pinto ngunit pinigilan nya ako.

"Look, yung nakita mo sa mall. Nagpasama lang sya." Sabi nito.

"Hala? Nagtanong ako?" Medyo nahiya sya sa sinabi ko. Muli ko syang inikutan ng mata.

"Roll your eyes again. I'll kiss you till you drop." Mahinahong sabi nya, gusto kong iikot ang mata ko pero baka totohanin nya.

"Umuwi ka na." Sabi ko dito at muli sya tinalikuran.

"I won't. Hindi ako makakatulog kong galit ka." Sabi nya habang nakatalikod ako.

Gusto kong matawa. Nagbibiro ba sya? Napailing ako.

"Please... I told you, nagpasama lang sya." Sabi nya kaya nilingon ko sya.

"Wag kang mag-explain sa akin. No need, at hindi pwede." Sabi ko dito.

"This situation, I am only your boss... It's sucks." Sabi nya kaya napatingin ako sa mga mata nyang nagmamakaawa.

Nagkibit-balikat nalang ako.

"Please let me..." Nangunot ang noo ko.

"Let me court you." Sabi nya kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako makapagsalita. He has ability to stop my ability to talk and move. Ganito ko kalaki ang epekto nya sa akin.

"I won't take no as an answer. It's either yes or yes." Hindi ko napigilan ang sarili kong ikutin ang mata.

Huling nalaman ko nalang, nakalapat na ang labi nya sa akin. Nanlaki ang mata ko!

Tinulak ko sya dahil sa nabigla ako.

"Bakit mo na naman ginawa 'yon?" Nangingiti ako sa inis sa kanya.

"I told you. Roll your eyes, I'll kiss you. Sayang dahil hindi ko man lang nagawa ang sinabi kong 'till you drop." Sabi nya habang may naglalaro ngisi sa labi nya.

"Umuwi ka na. Maaga ka pa bukas." Sabi ko dito. Medyo mahinahon na ako.

"Waiting for your answer. Yes or yes?" Tanong nyang muli. Gusto ko syang batukan dahil sa choices nya.

"Or."

"Or means yes. So ibig sabihin pinapayagan mo akong ligawan ka. I'll go now." Sabi nito kaya nainis ako ulit.

"Nakakainis."

Ngumiti lang sya at hinalikan ako sa pisngi at tumalikod na.

Tela ba nawala ang hininga ko sa katawan at hindi ako makagalaw.

"Goodnight, dream of me." Sabi nito at sumakay na sa kotse nya at umalis.

Napahawak ako sa puso ko. Sobrang bilis ng tibok.

-
To be continued

[I ALWAYS FORGOT TO GIVE YOU A REMINDER, THIS IS FOR THE PERSON WANTS TO STEAL OTUER WORKS. EVEN THOUGH MY WORKS ARE NOT FAMOUS OR WHAT BUT I CAN SUE YOU IF YOU TRY STEALING MY WORKS. PLAGIARISM IS A CRIME, THANK YOU]

SSS#1: Stripped (on-going)Where stories live. Discover now