CHAPTER 11
Pagod akong napahiga sa maliit kong kama. Simula nang magkilala kami ni Zeo ay itong gabi na ata ang pinakamalungkot.
Bumuga ako ng hangin. Marami akong iniisip parang ayoko na tuloy syang makita.
Napapikit ako nang maalala kong may trabaho pala ako bukas. Tapos napangakuan ko si Lucas? What the?
Mabilis kong hinanap ang selpon ko at tinawagan sya.
Bakit ko nakalimutan na nay trabaho ako? Kainis!
"Hello, Lucas?" Sabi ko nang sinagot na nya ito.
"Hi." Sabi nya.
"Pucha, pwede gabi ka na pumunta rito bukas? Kung okay lang sana. May trabaho pala ako bukas e." Napakamot ako ng ulo.
"Sure. What time?" Tanong nya.
"8." Sagot ko dito.
"Sunduin na kita. San ka ba nagtatrabaho?" Tanong nya.
"Di mo rin naman alam kung nasaan siguro. Sa Salazar's." Sagot ko dito.
"Hay nako Chloe. High-tech, you remember?" Sabi nito. Ngumuso nalang ako.
"Fine. 8 tomorrow. I'll wait you outside." Sabi ko dito.
"Okay. Goodnight buddy." Sabi nito.
"Goodnight, sleep well."
"I love you." Sabi nito at binabaan naman ako ng tawag.
Napailing nalang ako. Wala paring nagbabago.
Pumikit na ako dahil may maaga pa akong trabaho bukas.
-
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm sa cellphone ko.
I did my everyday routine. Woke up, ayusin ang higaan, maligo, kumain at kunin ang mga gamit. Pareho pareho lang araw-araw ang morning routine ko. Pagdating sa opisina ay may mga babati pero hindi ako masaya ngayon kaya hindi na ako nag-abala pang batiin sila pabalik.
Pagbukas ko ng pinto ay naroroon na si Zeo at nagsimula ng magtrabaho. He's early today?
"Goodmorning." Bati nya pero nakayuko at abala sa ginagawa.
"Morning." Mahinang sabi ko. Wala ako sa mood para maging masigla sa pagbati.
Naiinis pa rin ako.
Inangat nya ang tingin nya pero hindi ko sya pinansin.
"Any problem?" Tiningnan ko sya. Muntik ko nang maikutan sya ng mata mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko.
Tinanguan ko lang sya bilang sagot.
"Anyways, you have meeting today with Preda Corp. at Upper Restaurant. 10PM, and at 4PM you have meeting in conference room." Sabi ko dito nang hindi tumitingin sa kanya.
Hindi sya sumagot pero nakatingin ito sa akin. Hindi ako nag-angat ng tingin pero randam ko ang bawat pagsulyap nya.
"Coffee please." I checked the clock, too early but he's asking for coffee?
Tumayo na ako at pinagtimaplahan sya ng kape. Tahimik kong nilagay ang kape nya table nya.
"You're mad." Komento nya.
Nung isang araw pa sya sa 'mad' nya. Araw araw nya kasi akong iniinis kahit wala akong karapatan. Pero chicks ako no!
Umupo lang ako at kinalikot ang cellphone ko. Sakto ay nagtext si Lucas.
From: Buddy
Don't forget my favorite food later!
Sabi nito sa text.
To: Buddy
Ayoko nga. Pero ihansa mo ang sarili mo, lalasunin kita.
-
From: Buddy
Okay lang malason, nalason mo na ako.
-
Napangiti ako sa kabaduyan nya.
To: Buddy
Corny.
Huling mensahe ko iyon dahil hindi na sya nagreply. Busy siguro ang gunggong.
"Why are you smiling while holding your phone?" Tanong nj Zeo kaya tiningnan ko sya.
"Paki mo?" Sabi ko dito. Sanay naman na syang tinatarayan ko sya kaya hindi na sya nagulat.
"Boss mo ako Chloe baka nakakalimutan mo." Sabi nito sa malamig na boses.
"Sorry 'Sir Zeo', may katext ako,kaibigan ko." Sabi ko dito. Emphasizing the 'Sir Zeo'.
"Is he?" Tanong nya kaya tumango ako.
Hindi na sya muling nagsalita. Nang dumating ang alas 10 ay naghanda na sya para sa meeting nya.
"Don't forget to eat your lunch later." Sabi nito bago lumabas ng opisina.
"Don't forget to eat your lunch." Paggaya ko sa sinabi nya.
"Lunch your ass." Sabi ko sa sarili ko.
Wala na akong gagawin ngayon dahil natapos ko na lahat. Kaya lumabas na ako ng opisina at dumiritso sa canteen para kumain.
Nang matapos ay bumalik na ako sa opisina at naglalaro ng games sa cellphone ko.
Hindi na bumalik si Zeo at mabuti na rin 'yon. Naiinis ako sa mukha nya kahit boss ko pa sya.
Alas 7 na ng gabi nang bumukas ang pintuan sa opisina kaya mabilis ko iyong nilingon.
"You can go home now." Sabi nito at umupo sya sa table nya.
"Ikaw?" Tanong ko dito.
"Ihahatid ka." Sabi nya at may kinuha sa maliit na lalagyan.
"Come on." Sabi nito at tumayo.
"Sorry hindi pwede. May magsusundo sa akin mamaya." Natigilan sya sa sinabi ko.
"Sino?"
"Lucas, kaibigan ko."
"Kaibigan?" Tumango ako.
"Okay." Sabi nito at bumalik sa upuan nya.
"Text him that you're early today." Sabi nya habang nakatingin sa cellphone.
Tumayo na ako at nagpaalam. Nang makalabas ako sa opisina ay agad kong tinext si Lucas na maaga ako.
To: Buddy
You're free? Out na ako.
Ilang minuto pa bago sya nagreply.
From: Buddy
Hala! 7:30 pa ako pwede? Okay lang ba sayo maghintay?
To:
It's okay. I'll wait. Just text me if papunta ka na.
Nilagay ko na sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Tahimik akong umupo sa waiting shed nang may huminto sa tapat ko.
"Wala pa sundo mo? I can send you home." Sabi ni Zeo habang nakabukas ang bintana ng kotse nya.
"No thanks. He'll be here in 5 minutes." Sabi ko nang makita sa relo ko na malapit ng mag 7:30.
Naghintay sya sa akin.
"I'm sure. He'll be here, mauna ka na 'sir'." Sabi ko dito kaya medyo nainis sya.
"Aalis ako pagdumat-" Hindi natapos ang sasabihin nya ng may lumapit na lalaki sa akin.
"I'm sorry babe, I'm late." Sabi nito.
"Okay lang." Sanay narin ako sa pagtawag nito ng babe sa akin kaya hindi na ako nagulat.
"Bye sir. Andito na sundo ko." Sabi ko dito at sumakay na sa kotse nang hindi nilingon ang mukha ni Zeo.
"Boss mo?" Tanong ni Lucas nang makasakay na kami sa loob ng kotse.
Tumango ako.
Tahimik lang kami sa byahe pauwi. Nang makapasok na kami sa apartment ay agad kong hinanda para sa lulutuin ko.
Masaya kaming nag-uusap ni Lucas habang kumakain. Marami rin kaming naging kwentuhan ni Lucas dahil matagal na rin kaming hindi nagkita.
Ilang oras muna syang nanatili sa apartment ko. Namiss ko ang isang 'to.
"Goodnight." Sabi nito sa nang nasa tapat na kami ng pinto.
"Mag-ingat ka pauwi. Tanga ka pa naman." Sabi ko dito kaya natawa sya. Nagulat ako sa paghalik nito sa pisngi ko.
Nagpaalam na sya at sumakay na sa kotse nya. Kinaway ko sya habang papalayo na ito.
Papasok na sana ako sa loob ng may mapansin akong anino.
"A friend? Really?"
Bumilis ang tibk ng puso ko nang makilala ang boses ng lalaki.
-
To be continued
YOU ARE READING
SSS#1: Stripped (on-going)
General FictionSALAZAR SIBLING#1: ZEONEL EVO SALAZAR 'ZEO'