CHAPTER 7

441 7 0
                                    

CHAPTER 7

Months passed but the routine was all the same.

We met 7 in the morning and bid goodbyes at 8. We also lunch together.

Sometimes, he insisted to give me a ride.

At ako namang sobrang rupok, oo ang sagot.

Ayaw ko ba 'non, walang sayang pamasahe.

'Gusto mo lang makasama si Zeo, sus!' Napailing ako sa sinabi ng utak ko.

Pero ngayong araw ay mag-isa akong bumaba dahil may meeting pa ito.

It seems like I am eating alone today.

Pero bago pa ako makalabas ay tumawag sa akin. It's Lyka.

"Oh, Ms. Goncello!" Napalingon ako rito.

"Yes?"

"Mag-isa ka yata ngayon?" Ngumiti ito sa akin. But no, I don't like her.

"May meeting pa sila e." Peke ko syang ningitian.

I know and I can see how she talked Zeo. She's this nasa loob ang kulo.

Sa labas para syang anghel kung makaasta pero sa loob ng babae ay makati pa sa makati.

Babae ako kaya alam ko ang kilos nito. And yes, naiinis ako paglumalapit sya kay Zeo.

"Let's eat together." Yaya nito kaya agad akong napalingon sa kanya.

"No way!" Mabilis kong sabi kaya nagtaka sya.

"I mean no sorry, I rather eating alone." Sabi ko.

Malungkot syang napangiti.

"Kung 'yan ang gusto. Right." Sabi nya at nagkibit balikat.

As if namang gusto nya rin ako. Kita mo ang maldita nitong ngiti.

Tumalikod na sya at nakita ko pa ang pag-ikot ng mata nito. Gusto ko syang sabunutan but I opt not to.

Dumiritso ako sa canteen at naisipang dun nalang ako kakain ngayon dahil ako lang naman mag-isa.

Nang makapag-order ay naghanap na ako ng upuan, pero tumigil ang mata ko ng may nakitang pamilyar na mukha.

May kasama itong babae. Maganda, sino ba ito?

Akala ko ba nasa meeting sya?

Nang makita nya akong tumitingin sa kanya ay parang nataranta sya.

Tumalikod na lamang ako at naghanap ng pwesto para matapos na ako rito.

Di ko alam pero bumibigat ang puso ko sa nakita ko.

Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at umalis na sa canteen. I don't want to see them.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho ko. Maya-maya pay bumukas ang pintuan at pumasok si Zeo.

Hindi ko sya pinansin at tinapos na ang ginagawa ko.

Ganun nalang ang inis ko nang hindi nya rin ako pinansin at kinsaup.

Sino naman din ako para pag-abalahan? Secretary lang.

Nang dumating ang alas 8 ay tumayo agad ako at lumabas ng opisina.

Di na ako nag-abala pang nagpaalam sa kanya. Bahala na sya sa buhay nya kung ano ang iisipin nya. Ni hindi nga ako pinansin.

Habang naghihintay ng taxi ay may paparating na itim na kotse.

Bumukas ang bintana nito at tinawag ako ni Zeo pero hindi ako nakinig.

Mabuti nalang at may taxi na kaya mabilis akong sumakay.

Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay na ako.

Napa-buntong hininga na lang ako. Bat ba ako nagkakaganito.

Nang makarating na ako ay nagbayad na ako at bumaba na.

Bago pa ako makapasok sa loob ay may nagsalita.

"Are you mad at me, Chloe?" Tanong nito. Napahinto ako sa pagpihit ng door knob.

Hindi ako makasagot.

"Whatever the reason is, I'm sorry." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga nito.

Hindi ko sya sinagot bagkus ay tiningnan lang sya.

Lumapit ito sa akin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang yakapin nya ako.

"Please don't treat me like this." Sabi nya.

"Pasensya na. I just...don't understand myself." Sabi ko.

Napatahimik sya at ilang segundo ay ngumiti.

Napakunot naman ako ng noo.

"Are you jealous?" Nanlaki ang mata ko sa tanong nya.

"Hoy hindi no." Napaatras ako.

Pero mas lumaki lamang ang ngisi sa mga labi nito.

"So bakit ka galit?" Tanong nya habang may naglalarong ngiti sa mga labi nya.

"Hindi ako galit. Stress lang." Sabi ko dito.

"Hindi ka nagpaalam sa akin kanina." Sabi nya.

"Kasi di mo ako pinapansin." Sabi ko dito.

"Teka lang boss ha, bakit ka pa nandito?" Tanong ko dito.

"Gusto ko lang makipag-ayos sa'yo." Sabi nya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano kita,boyfriend?" Tanong ko.

Napaiwas sya ng tingin.

"A friend?" Sabi nya, hindi sigurado.

"Hay nako boss, sige na. Hindi na ako galit. Umuwi ka na." Sabi ko dito.

Ngumiti sya at tumango.

"Goodnight." Sabi nya at ako naman ang tumango.

"Goodnight." Sabi ko.

"Sleep well." Sabi nito habang nakangiti.

Tumango ako pero hindi pa rin sya umalis.

"Bakit?" Tanong ko nang makita hindi pa sya gumagalaw.

"Nasan kiss ko?" Tanong nya kaya nanlaki ang mata ko.

Susuntukin ko na sana sya sa mukha pero mabilis syang nakatakbo habang tumatawa.

-
To be continued

SSS#1: Stripped (on-going)Where stories live. Discover now