"Best na niniwala ka ba sa true love o greatest love?"
Tanong sakin ng kaibigan kung si trishya
"Yup naniniwala ako dahil sa mama at papa ko kahit namatay na si mama ay mahal na mahal parin siya ni papa sabi nga ni papa si mama daw ang one great love niya"
"Sana lahat ng boys gaya ni tito no wagas kung magmahal at di pinalitan si tita kahit pa maraming umaaligid sa kanyang magaganda"
"Thats why i love papa kahit pa maghubad sa harap niya ang mga magaganda at sexy babae di niya papatulan yun"
"Pano kung nahanap muna pala yung the one mo best pero di pa kayo poydi ano gagawin mo?"
"Sabi nga ni papa love can wait even it takes dacades kagaya ng pagmamahalan nila ni mama lumipas ang maraming taon at akala ni papa wala na si mama noon pero dumating parin ang panahon na nagkita sila at pinagtagpo ulit ng tadhana thats what they call destiny kung para siya sakin pagtatagpuin at pagtatagpuin kami ng tadhana."
"Sana best mahanap din natin si the one noh sana sila na forever natin."
"Hay nako best bago mo isipin yang si the one mo isipin mo muna grades mo para maka pasa ka at maka graduate haha"
"Grabe ka sakin best nakaka hurt ka idi ikaw na matalino satin ikaw na itong Valedictorian sating dalawa nahiya naman daw kagandahan ko sayo"
Tumawa nalang ako sa sinabi niya at tumayo na para pumasok tapos na kasi ang break time namin.
Si trishya kaibigan ko mula ng pinanganak kami pero matanda ako sa kanya ng isang taon nag stop kasi ako ng isang taon sa pag aaral dahil nagka sakit ako at kailangan ng gamutan.
Ngayon ok na ako kaya balik Aral na si trishya nga pala anak ng ex gf ni papa at ex fiance ni mama medyo magulo love story nila Tito kahit si papa di niya alam pano nagkatuluyan sila Tito at tita basta kinasal nalang daw at may anak na agad sila.
Hala daldal ko talaga late na kami kaya tumakbo na kami ni trish
*Meanwhile Sa Class Room*
"Ruth may naghahanap sayo sa labas"
"Sino daw?"
"Si A-ano basta labasin mo nalang"
Sabi sakin ng kaklase ko habang kinikilig kaya lumabas na ako pero nakita kung wala namang tao maliban nalang doon sa pinagkukumpulan ng mga babae sa labas.
Papasok na sana ako nang may humawak sa pala pulsohan ko kaya mabilis kung nilingon kung sino yun pero hiniling kung sana di nalang ako lumingon dahil si crush lang naman ang nasa likod ko at humahawak sakin.
Siya nga pala si Mihiro Dave Tarashi half filipino half japanese ang aking long time crush pero syempre secret ko lang yun noh ayaw ko ng gulo pag may nakaalam na gusto ko siya.
anak ng pating naman oo end of the earth na ba kinikilig ako pero syempre diko pinahalata bagkos tumayo ako ng maayos at hinarap siya.
"Dave ikaw pala may kailangan ka ba sakin"
Tanong ko na pilit tinatakpan ang kilig sa boses ko.
"Ruth magkita tayo mamayang labasan sa gym may sasabihin lang ako sayo."
Langya ka crush pinakikilig mo ko. Wait dapat ba akong kiligin at ano kaya sasabihin niya sakin matanong nga.
"Bat di mo nalang sabihin ngayon dito total andito ka nanaman."
BINABASA MO ANG
My Broken Angel
Romanceseason 2 of MY LOVE SACRIFICE Story of there Daugther " ang mahalin ka ang pinakamasakit sa lahat kaya ang kapatawaran na hinihingi mo ang pinakamahirap kung ibigay sayo " -Ruth " siguro ang paghingi ko ng tawad ang pinaka mahirap sa lahat pero yun...