Marso 2020,'Mahal na mahal kita'. Hindi ko na tinuloy yung plano namin ng magkakaibigan,mas pinili kong tapusin yung araw ko na kasama ko siya. Pinili kong papasukin sya sa puso ko,kahit alam kong sa huli...kapag hindi talaga kami...madudurog ako. Tumaya ako sa kanya,pinili ko siya dahil siya yung nandyan para sa akin.
Napapasaya nya ako unlike the other guys na naging fling ko nuon.
Habang hindi pa dumadating yung birthday ng kapatid ko,nagfocus muna kami sa dance practices and sa mga deadlines ng ibang projects namin.We usually go on dates at nights,naglalakad sa morayta hanggang sa UST and some other nights naman na pumupunta lang kami ng binondo para bumili ng paborito kong pagkain.
Pumunta kaming divisoria,pinasyal ko sya don sa may tutuban.I like it there,it was one of my best places na galaan kasama yung mga tropa ko.Kasi bukod na pwede kang magshopping ng mga clothes,foods,gamit,tapos meron pang phone accessories na gustong gusto ko.
When I'm with him,i am the happiest.
Marso 8,birthday ng kapatid ko at sinama ko sya sa family outing kasama ng ibang mga kaibigan ng kapatid ko. My family likes him,my mom likes him because she can see the way he loves me.Kaya hindi naging mahirap gawing legal yung relasyon namin.
Sa araw na iyon,pinagtabi pa kami sa sasakyan kasi dapat kasama niya yung kapatid ko na kasama yung mga kaibigan nya na mag co-commute.Nothing unusual happen habang sakay kami ng van papunta sa resort na pupuntahan namin.
Nang dumating na kami sa resort,syempre nag unload kami ng mga bagahe sa sasakyan,tapos inayos yung lamesa na kakainan namin.
Kumain muna kami bago magbihis para magswimming,hindi gaano marami yung mga tao ngayon kasi syempre gabi na ngayon at mas pinili nilang gantong oras mag swimming kasi pag umagang-umaga masyadong mainit.
Mas pinili ko yung pool na hindi gaanong crowded at hindi rin gaanong kalalim.Kasama naman namin yung ibang kaibigan ng kapatid ko na naging kaibigan ko narin simula pagkabata.
We talked some things about us under the night sky and the moon,that is again...witnessing our hearts being collided.
I clinged to him,and i wrapped my legs in his waistline and i hugged him. Nasa tubig naman kami kaya di ako mabigat.I can hear his heart and his heavy breathing,as well as mine.
"I love you" i said
"I love you too" he said
Ngumiti ako sa kanya and i gave him a kiss.
Alam ko naman na lahat ay may hangganan,alam kong dadating tayo sa punto kung saan tayo ay magkakasawaan at magagalit tayo sa isa't isa. Pero sana malaman mo na hangga't pinapatunayan mo sa akin na mahal mo ako,i will stay and love you with all of my heart.
Mamahalin kita,hangga't kaya kong magtiis.
Mamahalin kita,hangga't sa dulo ng pasensya ko.
Mamahalin kita,hangga't alam ko na ako ang mahal mo.
Mamahalin kita,hangga't may natitira pa sa akin.
Natapos ang araw na iyon,na pinili kong pakawalan yung sarili ko sa kaligayahan ng pag-ibig. Tinapos ko yung araw na iyon,na alam ko sa sarili ko na mahal kita.
BINABASA MO ANG
My Summer Love Story
Teen FictionHi,I am Loren and you are about to witness my short love story.