Dumating ang buwan ng Abril,mas nagfocus ako sa sarili ko. Napagdesisyunan ko na ayusin ko yung sarili ko,nagdiet ako,nag exercise, nagkaron ng piercing sa tenga. Sumasama narin ako sa mga inuman ng mga barkada ko.
Madami akong nakilalang lalaki,madami akong nagustuhan. Pero wala ni isang nagtagal.
Hanggang sa dumating yung lalaking pinakilala ng kaibigan ko.
Matapos ang araw na iyon,friends na kami sa Facebook. Nagchachat narin kami,sa una nagkakahiyaan pa pero nung nagtagal..we vibed.
Dumating ang May 2019,niligawan nya ako,pumayag ako kasi gusto ko narin sya. Niligawan nya ako through voice call, kilala ko sya at kilala din sya ng pinsan ko at ng iba kong kaibigan. Kaya sinabi ko sa sarili ko,malabo nya akong lokohin.
Hindi kami madalas magkita kahit bakasyon, dalawang beses lang ata kami nagkita nuon. Nagkakailangan pa kami non,ang cute nyang ngumiti...nawawala yung mata nya pag nakangiti sya.
I love the way he looked at me,feeling ko ako na yung pinakaswerteng babae. Gusto ko yung mga small gestures nya,gusto ko yung mga small efforts nya. I thought I was in cloud nine,at wala na akong hihilingin pa sa feeling na yon. Hindi na ako pumayag magpaligaw sa iba,sayo na ako nakatutok nuon kahit na hindi pa tayo nuon.
Simula ng buwan ng Hunyo 2019, okay pa tayo nuon,minsan lumalabas tayo ng patago para magkita.
Tuwing umaalis tayo,hinahawakan mo yung kamay ko,hindi mo hahayaang hindi mo hawak kasi ikaw pa mismo magagalit sa sarili mo. Parehas tayong baliw,parehas tayong sira ulo sa daan kaya madalas tayong pinagtitinginan. Natatawa nalang tayo parehas kapag nagkakatinginan tayo ng sabay.
Magtatapos ang buwan ng Hunyo,hindi na tayo nagkikita kasi simula na ng klase. Busy ka na sa academics mo,busy narin ako. Pero okay lang,kasi hindi ka naman nawalan ng oras na ichat or iupdate ako.
Alam ko sa sarili ko na hulog na hulog na ako sayo nuon,alam kong mahihirapan nakong bumangon ulit kapag iniwan moko.
Kalagitnaan ng buwan ng Hulyo, hindi na tayo masyadong nagkikita. Okay lang sa akin kasi lagi mo naman ako chinachat at inaupdate kung saan ka galing or kung may pupuntahan ka.
Namimiss na kita,lagi kitang namimiss,ikaw yung laman ng isip ko tuwing nagkaklase. Kaya madalas lutang ako or laging tulog kapag may vacant. Miss ko na yung paghawak mo sa kamay ko,miss ko na yung pagaalaga mo sakin,miss ko na yung buong ikaw.
Nagtapos ang buwan ng Hulyo 2019,I am still in cloud nine. Pinapadalhan niya ako minsan ng pagkain sa barkada niya,sinabi niya sa akin na pasensya na kasi busy ka sa academics mo at yung reasons niya naman ay valid. Okay lang,masaya parin ako kasi at least hindi niya ako nakakalimutan.
Ikaw na lagi yung iniisip ko,nakwento narin kita sa mga kaibigan ko sa school. Sinabi ko na sasagutin kita sa birthday mo,para birthday gift ko sayo.
Agosto 2019, ang saya ko kasi sinabi mo na magkikita na tayo. Bumili ako ng regalo para sayo,magkikita tayo sa araw ng birthday mo. Parehas nating ice-celebrate.
Ramdam ko na nagkakalabuan na tayo pero isinawalang bahala ko na lang. Alam ko na may girlfriend ka,sinabi sa akin ng kaibigan ko na ka-schoolmate mo. Hinihintay ko yung explanation mo,hinihintay ko yung pagsabi mo sa akin na wala lang yon,na mali yun.
Inaya ko yung isa kong matalik na kaibigan,naghintay ako sa text mo habang nasa mall kami ng kaibigan ko. Hinintay kita,hinintay ko yung chat mo habang nagpapalipas kami ng oras sa mall.
Nagchat ka,sabi mo... sorry hindi ko na kaya, hindi ko na itutuloy yung panliligaw ko.
Hindi ko alam pero saglit na huminto yung mundo ko,wala akong maisip,natigil ata sandali yung pagfunction ng utak ko. Ramdam ko yung bigat sa puso ko, ayaw kong makahalata yung kaibigan ko. Kaya sinabi ko hindi ka makakapunta kasi may family dinner kayo.
Sa buong araw na yon,walang tumakbo sa isip ko,nabasag ako. Wala akong ibang maisip,puro tanong yung nasa utak ko.
Kinabukasan,tuloy ang palabas na parang walang nangyari. I have to smile.
Bumaba ang grades ko sa first quarter,hindi ako nagtaka,ilang quizzes na bagsak,ilang mini tasks na kulang kulang. Nalungkot ako para sa sarili ko pero kailangan kong bumangon.
Natapos ang buwan ng Abril na puno ng sakit sa puso ko,pero okay lang...wala akong magagawa kasi nangyari na ang nangyari.

BINABASA MO ANG
My Summer Love Story
Fiksi RemajaHi,I am Loren and you are about to witness my short love story.