02

1.6K 49 8
                                    

Nicole's POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko, dahil siguro ito sa peanuts ni Angelo na kinain ko kahapon. Allergic kasi ako sa peanut and ang tanga ko naman kahapon kasi diko alam peanut na pala yung kinakain ko.

I tried to call Sandy pero hindi pa siya sumasagot kaya minessage ko nalang siya sa Instagram.

To @SandySz: Baka malate ako ng konti, medyo masakit ulo ko patake note nalang ng discussion ni Prof.

Nagsuot lang ako ng plain white shirt and fitted jeans para mas comfy.

Paglabas ko ng hotel room ay napahawak ako sa may dingding bahil bigla bigla nalang sumakit ang ulo ko pero kailangan kong pumasok second day of school palang aabsent na ako, Ayoko ng ganon.

May kasabay naman akong isang lalaki na pumasok ng elevator hindi ko nakita ang mukha niya dahil mas matangkad siya sakin pero wala naman akong pake. Dahil ang gusto ko ngayon ay mawala ang sakit ng ulo ko.

"Ba't ba kasi tanga tanga, kakain kain ka ng allergic ka." bulong ko sa sarili ko habang nakahawak sa may gilid ng elevator.

Nang bumukas ang elevator bigla nalang akong muntikang natumba buti nalang nasalo ako ni Kuya na katabi ko hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa blurred na ang paningin ko naramdaman ko naman ang pagbuhat niya sakin at hindi ko na alam ang mga nangyari dahil bigla akong nahimatay.

Nagising ako sa isang kwarto na black and grey ang design hindi naman madilim dahil nakabukas lahat ng ilaw.

Napansin ko din na may isang lalaki na nasa gilid at may hawak hawak na basang towel at pinupunas ito sa kamay ko pero nakaface mask siya kaya hindi ko mamukhaan kung sino.

"Eat this," he said with full of authority.

"Sorry kung naabala kita, mauna na ako." akma akong tatayo ng bigla niya akong tinulak pahiga at tinanggal ang face mask niya and I was stunned for a moment ng makita kung sino iyon.

It was,... Sean, my ex-boyfriend. In the most unfortunate time of life.

"Sean," anas ko.

"39°" rinig kong bulong niya.

"Eat this, then drink your medicine," utos niya at nilapag sa harapan ko ang bed table na may soup, water, at gamot. "Tell me if you want us to go to the hospital. I'll bring you." He cares. He still do. I hope he still do. But Sean is kind.

"Sean," anas ko ulit sa pangalan niya.

"Stop calling my name and just start eating," sabi niya gamit ang malamig niyang boses. "I'll call tito Miguel for assis--"

"Huwag na, makakaabala ako kay tito." Dahan dahan kong hinigupan ang soup na nasa ibabaw ko pero hindi ko nagustuhan ang lasa kaya napangiwi ako at akmang baba na ang kutsara ng magsalita siya.

"Finish that,"

"Is this soup water or what," I whispered to myself.

"Finish that," ramdam ko sa boses niya ang diin ng pagkakasabi kaya wala akong nagawa kung hindi ang ubusin kahit na mapakla ang lasa.

"You didn't go to school?" tanong ko sakanya habang iniinom ang gamot ko.

"I did, that's why I'm here," sarcastic niyang sagot kung hindi lang ako nahihiya at na-awkward sakanya at baka inirapan ko na siya kaya lang hindi pa naman kami okay.

"Sorry sa abala,"

"Sorry wouldn't make any difference, the damage already happened."

Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung yung abala ko ba sakanya ngayon ang tinutukoy niya or yung nakaraan namin.

I Love You Regardless Of Your Past (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon