07

1.3K 38 20
                                    

Nicole's POV

I decided to listen to what my heart wants and that is to ask for Sean's forgiveness. I am not asking na magkabalikan kami pero kahit patawarin niya lang ako sa ginawa ko sakanya dati, okay na ako dun. Regardless of what happened to me, nasaktan ko parin siya.

Nandito ako ngayon sa harap ng condo niya para ibigay yung gamot na hindi ko naibigay sakanya kanina.

"Ano nanaman?" ramdam ko sa boses niya ang pagkairita.

"Drink this," sabay taas ko ng hawak ko mga gamot.

"Freak," bulong niya at pinapasok ako sa loob ng condo niya.

Bakit bigla ako napapasok? Ang balak ko lang naman ay ibigay sakanya tong mga gamot e. Kinuha naman niya yung hawak kong gamot at ininom iyon.

"Happy?" irita niyang tanong sakin nakangiti naman akong tumango sakanya.

"You can leave now," malamig ang boses niyang sabi at umupo sa sofa niya nakita ko naman siyang naglalaro ng xbox sa may tv niya.

Ilang minuto akong nakatayo doon pero nakatuon ang mga mata niya sa nilalaro.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" nakataas ang isang kilay niyang tanong sakin.

"Diba dapat nagpapahinga ka?" tanong ko sakanya.

"I'm resting," He pointed at his game. Him and his games, always.

"Tulog hindi laro,"

This is one of our main problems before. He really loves playing games and sometimes it gets too much.

"Ano bang pake mo?"

"Wala naman, pero--" he cut me off.

"Just leave, okay."

"Okaaay," bulong ko at akmang naglalakad na palabas nang bigla siyang sumigaw.

"Saint peter, freak! The hell was that! Stupid!"

"Could you please watch your mouth, hindi kasi maganda pakinggan," irita kong sabi sakanya, mismong ako ay nagulat sa sinabi ko dahil hindi pa naman kami okay at wala akong karapatang magalit or mainis sakanya.

Halata naman sa mukha niya ang gulat ng sumigaw ako. I kinda don't like people who cursed a lot I mean it's not wrong pero hindi ba pwede bawasan ng konti hindi yung tuloy tuloy puro cursed words ang sasabihin niya. Si Magui ang lagi kong napapagalitan sa ganyan. That girl curse like walang bukas. Iyan din ang nag cause ng isa sa mga away namin dati.

"Sorry," maamo niyang sabi.

"Uhm,... I'm sorry. I didn't mean. I swear." naiilang kong sabi.

We both look at each other awkwardly not knowing what to do.

"Uhm...can I play with you? I mean, wala akong kasama sa condo and I'm kind----" naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang tumayo at kinonnect ang isang controller sa may tv niya at nilapag ito sa tabi niya.

Why on earth would I ask him to play with me? I don't even play any games. This is so weird. How come I just asked my ex-boyfriend to play an online game with me?

"Can I?" tanong ko ulit sakanya.

"Do you think I'm dumb to play this alone?" sarcastic niyang sabi habang nakatingin sa screen tinignan ko naman ito.

It's a Street Fighter I think the old version and it has my favorite character Chun lee I mean I can't really play her well but I love her dresses.

Umupo ako sa tabi niya at pinili si Chun lee. "Ano ba?!" irita kong sigaw dahil apat na beses na akong sunod sunod na natatalo. Kairita.

I Love You Regardless Of Your Past (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon