Chapter 1: Laira Angelique Lopez

14 0 0
                                    




"Magandang araw po ako po si Lai yung nag apply po bilang cashier nung isang araw hehe nasira po kasi yung ginagamit kong simcard kaya hindi ko pi alam kung natanggap ako o hindi— pero kung hindi po ako natanggap promise po! Mabait po ako sa mga customers, hindi po ako pabagal-bagal, kaya ko rin pong mag linis habang nag pupunch ng pin—"

"Hay oo na! Oo na! Tanggap ka na napaka kulit mong bata ka! Magsisimula ang shift mo mamayang alas syete ng gabi, wag kang mahuhuli kung 'di tanggal ka—" pagpuputol ko sa manager ng convenience store na inapplyan ko.

"Ay hindi po! Nandito ho agad ako ng 7pm matic! Hehe." Sagot ko habang naka saludo pa.

Kaya lang naman ako napilitan na mag trabaho dito dahil kapos kami nila papa at may bunsong kapatid pa din ako na pinag aaral nila na si Red.

Ayaw akong pag trabahuhin ni papa noon kahit na part time job dahil nga nag aaral ako pero kapos kami at kailangan ko tulungan sila papa at mama ko. Si papa, yung company na pinapasukan nya ay nalulugi na kaya lumiit ang sahod nila at hindi na namin mapagkasya sa gastusin, habang si mama naman ay pinatigil na ni papa mag trabaho noon dahil may health problems na sya kaya house wife nalang si mama ngayon.

Noong una ay ayaw pa ni mama pero mapilit si papa. Nakakatuwa nga sila noon pagmasdan dahil halatang-halata na mahal na mahal ng papa ko si mama.

Ako naman, college na ako at pangalawang taon ko na. Naging scholar ako sa pinapasukan ko dahil mataas ang grades ko. Laking tuwa at pasasalamat nila mama at papa noon sa akin dahil hindi na nila kailangan mamroblema sa tuition fee ko. Pinilit ko talaga na maging scholar ako para makatulong na rin sa kanila. Hindi naman kami ganoon kayaman at kahirap, sakto lang kaya may mga bagay parin talaga na hirap silang pagkagastusan lalo na't may bunso pa akong kapatid.

Si Red naman ay junior high, 3rd year highschool na sya. Masipag naman sya kagaya ko. Ang gusto ko lang ay makatapos kami parehas dahil gusto kong mabigyan na ng mas magandang buhay ang mama at papa ko.

Sabado ngayon ng umaga, pagkatapos kong puntahan yung convenience store na papasukan ko mamayang alas syete ay dumiretso naman ako ngayon sa school. Kukuha ako ng mga librong kakailanganin ko sa pag rereview ko malapit na kasi ang exam. Ayoko kasing bumagsak pa at umulit nanaman napaka hassle kasi ng ganoon.

Malawak at maganda ang library ng school na pinapasukan ko kaya nga minsan dito nalang rin ako tumatambay pag wala akong magawa sa vacant ko.

Habang hinahanap ko ang mga kailangan ko may naririnig ako sitsit nang sitsit, palinga-linga ako hanggang sa makita ko na si Alex nanaman pala.

Si Alex ay nakilala ko dito sa University noong bagong lipat ako, maganda sya at mayaman. Napaka bait nya dahil sya ang tumulong sa akin sa pasikot-sikot dito, ever since kasi ay dito na sya nag aaral kaya alam na nya ang pasikot-sikot.

Naging magkaibigan kami dahil sa recitation. Noong hindi kasi sya makasagot dahil nalate sya at bilang parusa, tinawag sya ng prof namin. Kalagitnaan na ng discussion noon kaya hindi nya talaga alam ang isasagot, oh nagtataka kayo anong kinalaman ko doon? Well, may hinahanap lang naman kasi ako sa bag ko yung kwintas na binigay sa akin ni pala na nakalimutan kong suotin, hindi ako mapakali sa upuan ko noon kaya sakin nabaling ang attention ng prof namin.

Ako ang pinasagot nya sa tanong nya pero dahil nakikinig naman ako eh nasagot ko ito nang maayos. Pagkatapos noon, inapproach na ako ni Alex at nakipag kaibigan sa akin. Nung una ay ilag ako sa mga students sa school pero dahil makulit at madaldal si Alex, naging kaibigan ko na sya. Palagi nya akong sinusundan noon na parang tutang sabik na sabik makipag laro, hanggang sa nasanay na ako at naging mag best friend kami.

"UY LAIRA HELLOOOO!" Sigaw ni Alex habang kumakaway-kaway, walang pakielam kung masita ba sya ng librarian o hindi.

"Ano ka ba! Ang ingay mo!" Pananaway ko sa kanya.

Kung titignan mo, unang kita mo kay Alex aakalain mong mahinhin pero napaka ingay daig pa niya yung aso ng kapit bahay namin na tahol nang tahol tuwing madaling araw.

"Ano ba yan mag aaral ka nanaman ba? May dalawang linggo pa naman bago ang exam." Pagsisimangot nito sa akin.

"Alam mo naman na bawal akong bumagsak hindi ba? Tsaka kailangan ko maka graduate, gusto ko na yumaman." Pagbibiro ko. "Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Sabado ah wala ka bang lakad?"

"Wala naman, pakiramdam ko lang kasi na pupunta ka dito kaya pumunta rin ako hehe." Pagdadahilan niya sa akin, alam ko namang pinupuntahan lang niya yung crush nyang librarian na tuwing sabado lang nandito.

"Ewan ko sayo! Gusto mo lang makita yung crush mong librarian idadahilan mo pa ako, ge ayos lang di naman masakit." Pag iinarte ko, maarte ka gorl. At ang bruha tuwang tuwa nanaman sa akin, kahit kailan talaga parang manang tumawa.

Umuwi na ako pagkatapos kong makuha lahat ng kailangan kong libro todo pigil pa ng hagikgik si Alex habang chinicheck ng crush nyang librarian yung mga libro na kinuha ko. Napailing-iling nalang ako habang naglalakad pauwi.

Balak ko rin maghanap pa ng trabaho na tuwing Saturday lang ang shift dahil baka hindi ko kayanin kung halos araw-araw akong stress sa school araw-araw pa akong stress sa part time ko paano nalang ang mga pangarap ko sa buhay baka wala pa ako sa kalahatian eh matigok na ako. Wag naman sana ano.

Nang maaninag ko na ang bahay namin mas binilisan ko na ang lakad dahil napaka bigat ng mga dala kong libro.

Nakita ko sila papa at mama na nakaupo sa lamesa, paakyat na sana ako sa kwarto ko kaso mukhang may problema nanaman sila, inilapag ko ang mga libro sa lamesa.

Nagmano ako bilang pagbati at umupo na rin sa mesa. "Si Red po mama, papa?" Tanong ko para ibaling ang atensyon nila sa akin. Masyado kasing mabigat ang atmosphere.

Sagot ni papa, "Ah nandoon sa mga tita mo pinapunta ko na muna doon, kumain ka na ba?"

Alam ko na kung bakit nandoon si Red, ayaw nanaman nilang malaman ng kapatid ko na may problema sila dahil baka makaapekto sa pag aaral ni nya.

"May problema nanaman po ba?" Pag tatanong ko sa kanila.

Hinawakan ni mama ang kamay ko giving me her apologetic smile. "Anak, baka mawalan na ng trabaho ang papa mo." Sagot ni mama na sa akin.

Halatang hindi na alam ni papa ang gagawin. Gusto kong makatulong sa kanila pero hindi ko pa kaya, ang kaya ko lang kayang gawin ay pagbutihan ang pag aaral. Mas lalo akong naging determined na makatapos dahil ayoko nang maulit nanaman sa amin ang ganitong problema.

Pag tapos namin pag usapan ang trabaho ni papa, kaagad kong sinabi na natanggap na ako sa convenience store na inapplyan ko, noong una talaga ay pinapa-quit na ako ni papa pero dahil mapilit ako at gusto kong makatulong, napapayag ko na rin sila.

"Huwag po kayong mag alala papa, mama hindi mawawalan ng trabaho yang si papa, si papa pa ba?" I sadid cheering them up, natawa naman sila sa akin. Niyakap ko silang dalawa na sakto naman sa pagdating ni Red.

"Ano yan bat 'di ako kasali? Dini-disown nyo na ba ako? Hindi nyo na ba ako mahal?" Pag iinarte ng kapatid ko kila mama habang paiyak-iyak pa kunwari.

Natawa at nagyakapan kaming lahat na para bang huli na ang yakap namin na iyon. Alam kong malalagpasan din namin 'to.

When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon