Chapter 11: Weird guy, Sheldon

1 0 0
                                    




Habang papasok ng bahay ay hindi ko maiwasang mapangiti sa nangyare ngayong araw na ito. Natutuwa ako dahil unti-unti nang bumabalik ang Musika sa pag babanda nila.

Nakita ko si Red na lumabas galing ng kusina, "ATE Q!" Sigaw nito sa akin habang tumatakbo palapit.

Tumakbo rin ako papalayo sa kanya kaya ang ending eh nag habulan kami nang nag habulan hanggang sa bawalin kami ni mama dahil muntik na naming madapurak si Itim na nakiki gulo rin sa amin ng kapatid ko. Tawa kami nang tawa dahil sa kabaliwan ni Red. Para talagang timang.

Habang nag papahinga ay lumapit sa akin si Itim, he rested on my lap while purring. Naalala ko naman na balak ko nga pala syang dahil sa practice room sa Sabado dahil gusto raw makita nila Mark si Itim.



Nang makarating si papa ay nag hapunan na kami. Tinanong ako ni papa kung kamusta na daw ang pagiging manager ko sa banda. "Anak, iyon nga palang banda na sinasabi mo kamusta naman?"

Nabanggit ko kasi na nagkaroon ng hiatus ang Musika dahil sa isang problema pero hindi ko na sinabi kung ano pa ang puno't dulo noon. Sinabi ko lang na pinakiusapan ako ni Dean para maging manager at pumayag ako na tulungan sila dahil sweswelduhan naman daw ako. Noong una pinangaralan pa ako ni papa dahil ko naman daw kailangan tumulong dahil lang may kapalit na bagay. Dapat daw ay tumulong ako dahil gusto kong tumulong.

Hindi ko sinabi na kaya ko lang tinanggap yun dahil gusto ko lang makatulong sa kanila, makatulong sa pang gastos. Um-oo nalang ako sa mga pangaral ni papa sa akin.

"Umookay naman na sila papa, bumabalik na sa pag papractice." Tugon ko habang naka ngiti.

"Mabuti naman, hanggang kailan mo naman balak maging manager nila anak?" Pag tataning ni papa.

Hindi ako naka imik saglit. Hanggang kailan nga ba ako? Hanggang sa makaraos kami nila papa? O ipapagpatuloy ko hanggang sa maka graduate kami? Sa totoo lang ay nung sinabi sa akin ni Beatrice na wag ko silang iiwanan katulad ng ginawa ni Rye, ang pag oo ko na yon ay hindi naman sigurado.

"Hanggang maka graduate po, papa." Sagot ko kahit na hindi ako sigurado.


Natapos kaming kumain at umakyat na kami sa sari-sarili naming kwarto. Nag linis at nag bihis ako kaagad at natulog na rin. Masyado akong napaisip sa tinanong ni papa, ubos na ang lakas ko ngayong araw para idagdag pa yun sa mga nangyare. Itutulog ko nang muna ito at bukas na iisipin kung paano ko gagawan ng paraan.






Umaga na naman, kailangan ko na ulit gumising para harapin ang realidad. Kaagad akong bumangon at naligo, medyo hindi na ako nag tulala pa nang magising ako at kaagad nang kumilos. Panigurado ay maaga nanaman akong makakarating sa school. Hindi ko na sasabihan si Alex na magkita kami kaagad dahil baka mahimbing pang natutulog ang isang yun ngayon.

Nang matapos ay nag suot lang ako ng komportableng damit. Blue shirt, high waisted jeans, and white kicks. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na para sabayan sila kumain. Nang makababa ay nagulat sa akin si mama dahil napaka aga ko raw ngayon. Nag hahanda palang ng lulutuin si mama at sila papa daw ay pagising pa lang daw ng ganitong oras.

"Oh napaaga ka yata ng gayak, anak? May gagawin ba kayo sa school ng ganitong kaaga?" Gulat na tanong ni mama sa akin.

Ewan ko ba, kahit ako eh hindi ko alam kung bakit ang aga kong gumayak. "Ayoko po kasing malate hehe baka mag tuloy tuloy po ang tulog ko eh." Pagdadahilan ko nalang kay mama.

Tumulong muna ako kay mama sa pag luluto nya at pag hahanda ng pagkain hanggang sa magising sila papa at Red. Kahit sila ay nagulat nang makita ako sa baba. Madalas kasi ay ako ang nahuhuling bumaba para mag almusal.

When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon