Chapter 3: Milk

10 0 0
                                    




Pauwi na ako ngayon bitbit ang mga binigay sa akin ni Dean. Dinaanan nya ako sa library kanina para ibigay sa akin ang records ng banda. Copy lang naman ito ng records nila sa school at ang profiles nila.

Mabuti nalang nakapag review na ako sa lahat ng subjects ko kailangan ko nalang basa-basahin para hindi ko makalimutan. Iyon ang turo sa akin ni papa, mas maganda raw na advance ako palagi para hindi ako gaanong mahirapan.

Nang makarating ako sa bahay agad akong niyaya nila mama at papa na kumain na kasabay nila, ako nalang pala ang hinihintay, mabuti nalang naabutan ko pa ang dinner kasama sila. Binaba ko muna saglit yung mga dala-dala ko sa sala bago dumiretso sa hapag kainan.

Nag mano ako kila mama. "Mukhang madami kang ginawa ngayong araw anak?" Pag tatanong ni papa sa akin.

"Ah opo papa, ito kasing si Alex ni-refer ako bilang manager ng isang banda. Pero banda naman po sa school yun, tsaka swe-swelduhan nila ako, tinanggap ko na po para sana makatulong sa inyo." Pag amin ko sa kanila. Medyo nahihiya pa ako kasi hindi ko talaga style yung mga ganoong bagay.

Kita ko ang gulat sa mga mukha nila na para bang natutuwa, akala ko ay magagalit o mag aalala sila sa akin pero parang hindi naman. Parang natutuwa talaga sila eh.

"Wow ate, changed woman ka gorl?" Sabat naman nitong kapatid ko.

"Sira!" Singhal ko habang natatawa.

"Mabuti yan anak, para naman may experience ka tsaka may sweldo man o wala anak, dapat eh mahilig kang sumali o mag participate sa mga ganyan, sayang madadala mo rin ang memories pag tumanda ka na." Sabi naman ni mama sa akin habang inihahanda ang mga pagkain.

Bumaling naman ang atensyon namin lahat kay papa nang sabihin nyang, "Oo nga anak, wag mong gayahin ang mama mo na kung hindi pa ako nakilala eh hindi matututong mag saya sa buhay kolehiyo."

Natawa kami sa pang aasar ni papa kay mama. "Ang mama mo kasi na yan eh masyadong mapag isa noong kabataan namin." Napapailing iling si papa habang inaalala ang college life nila ni mama.

Naalala ko rin noon kung paano ikwento ni papa ang itsura ni mama sa tuwing sinusundan at kinukulit-kulit nya si mama. Halos sampalin na daw ni mama si papa dahil buong araw siyang nagdadal-dal.

"Sa papa nyo lang talaga ako natutong makipag halubilo. Hay! Ewan ko ba sadyang may sariling mundo lang talaga ako noon." Sagot naman ni mama habang natatawa rin kagaya ni papa.

"Oh alam na natin kung kanino nag mana si Lai." Sabat naman nito ni Red habang nagfifeeling mas matanda sakin, bintukan ko nga.



Nauwi ang buong gabi namin sa asaran at kulitan. Tawang-tawa sa amin sila papa at mama habang nagbabangayan at nag aasaran kami ni Red. Nakakatuwa lang dahil kahit maraming problema sila mama at papa nagagawa parin nila kaming sabayan sa kulitan.

Pagkatapos kong tumulong kay mama sa paghuhugas ng pinag kainan dumiretso ako sa sala para kunin yung mga nilapag kong gamit. Nag paalam na rin ako na aakyat na ako at magpapahinga um-oo naman sila mama at papa.

Nag linis at nag bihis muna ako bago ko napagpasyahang buklatin yung mga binigay sa akin ni Dean kanina. Apat na folders 'to, siguro apat na members rin ang nasa banda, oo tama, dahil siguradong yung dalawang folders para doon sa dalawang kambal.

Nang buklatin ko tama nga, unang tinignan ko muna yung kay Lesley Beatrice Domingo. Nag iisa lang syang babae sa banda, maganda rin ang records ng grades nya at pangalawa sya sa klase nila. Mukhang matalino at sobrang sipag nya dahil nasa records nya na palagi syang representative sa tuwing may mga academic contests sa school at never syang nawala sa honor noong highschool sya hanggang ngayon.

Si Mark at Angelo Perez naman ay yung kambal, Nakikita ko na silang dalawa noon dahil sila yung humarang sakin para bigyan ng fliers ng banda nila. Mukhang masaya sila kasama dahil energetic sila nung kinausap nila ako. Magaganda rin ang grades nila.

And lastly, ang nag lelead sa banda nila, si Sheldon Klyde De Guzman. He's the vocalist and aside from being vocalist magaganda rin naman ang records nito, wala namang palya ang grades. Nagtataka lang ako na bakit parang sa pananalita ni Dean kailangan talaga nila ng tulong? Magaganda naman ang grades nilang lahat ah at okay naman ang performance nila sa klase.

Sophomore silang lahat kagaya ko, same courses rin silang apat. Mukha naman silang okay, kung tutuusin pwedeng-pwede silang makahanap ng mas magaling na manager.

Nahiga na ako at nag isip-isip kung ano bang dapat kong i-expect pag hinandle ko na ang banda nila. I mean, ano kayang dapat kong gawin? Wala naman kasi akong alam sa pagiging manager kung bat ko ba kasi to pinasok 'to hay! Bahala na nga inaantok na rin ako.

Nagising ako sa ingay ng kapatid ko, kanta nang kanta sa kwarto nya, nakakarindi feeling walang natutulog kaya kinalabog ko yung pintuan ng kwarto nya. "HOY PULA ANG AGA-AGA KANTA KA NANG KANTA JAN TUNOG KALABAW KA NAMAN!" Paninigaw ko.

Habang pabalik sa sarili kong kwarto, natigil naman sya sa pag kanta kinalabog nya din yung pintuan ko at sinumbong pa ako kila mama at papa. "MAMA YUNG EPAL GISING NA!"

May saltik talaga, aakalain lang ng mga tao na matino at magalang 'tong si Red pag dating sakin pero hindi, mas grabe pa sa ate kung umasta kala mo kung sinong matanda pikon naman nyenye.

Naligo na ako at nag ayos para makasabay sa kanila sa almusal. Pag baba ko, wala kaming ginawa ng kapatid ko kung 'di mag asaran hanggang sa mapikon sya sa akin na syang ikinatawa lang ng magulang namin. Para kasing timang mapikon 'tong si Red daig pa ang babae. Minsan nga naiisip ko nalang na baka bakla ang kapatid ko.

Pumasok na kami, hinatid kami ni papa kaya hindi na kinailangan ni Red na mag commute. Nagpaalam na rin ako sa kanila nang marating namin ang school ko. Medyo napaaga pa nga ako ngayon ng kaunti kaya dumiretso muna ako sa canteen, sinabihan rin kasi ako ni Alex na hintayin ko sya doon.

Sakto namang bukas na kaya umupo muna ako at nagpatugtog ng kung ano-ano sa playlist ko. Wala akong ginawa kung 'di tumanganga hanggang sa matanaw kong may papasok sa loob ng canteen akala ko si Alex pero hindi.

Pinagmasdan ko lang 'to hanggang sa makalapit sya sa counter, matangkad sya, may kaputian at gulo-gulo ang buhok na parang walang balak mag suklay, dala-dala niya din ang jacket nya habang nakapamulsa. Bumili sya ng gatas at naupo rin di kalayuan sa akin.

Mukha syang puyat at pagod na para bang ilang araw na hindi natutulog, hindi masyadong maaninag ang mukha nya dahil natatakpan ng pagkahaba-haba nyang buhok, well hindi naman sobrang haba na gaya ng sa babae masyado lang mahaba ang buhok nya para sa rules ng school para sa mga lalake. Parang buhok ni Daniel Padilla nung teenager years nya. Nakaupo lang sya habang nakasalung baba at sinisip-sip ang binili nyang gatas.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tignan nya rin ako, ewan ko ba pero nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa mabaling ang atensyon ko kay alex na paparating.

Kaway-kaway syang lumapit sa akin kaya kumaway rin ako. Ang dami niyang kinwe-kwento ngunit tila wala akong maintindihan dahil pabalik-balik lang ang pagtingin ko sa lalakeng nakaupo malapit sa amin.

Ganon parin, nakatingin lang sya sa akin habang nakasalung baba at walang ganang sinisipsip ang gatas na binili nya. Wala akong naramdamang pagkailang sa kanya, para bang komportable lang akong titigan lang rin sya.

Naputol naman ang pagtitig nya nang tumayo na sya para itapon yung binili nya at lumabas ng canteen. Doon lang rin nabaling ang atensyon ko kay Alex na kanina pa ako dinadaldal.

"Tapos sabi nya hin— hoy! Nakikinig ka ba sakin?" Sigaw nya habang pinipitik ako sa noo ko.

Tatawa-tawa akong humindi sa kanya habang hawak ang noo ko, "HAHAHAHA sorry nga nga!"

Nag asaran kami ni Alex hanggang sa nilibre ko nalang tuloy sya dahil siguradong yun lang ang sasabihin nya sakin buong araw, hindi ko raw sya pinakinggan at inasar-asar ko pa sya. Ang sabi nya pa wala daw talagang nakakabara sa akin pagdating sa asaran manang-mana daw ako kay papa ko.

Natapos ang buong araw ko sa school na yung lalakeng bumili ng gatas lang sa canteen ang naiisip ko. Natatawa nalang ako sa tuwing naiisip kong para akong nasa love story.

When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon