Chapter 7: Two Faced

3 0 0
                                    




Sabado na ngayon, hindi pa ako nakakapag paalam kila papa tungkol doon sa pag punta ko sa practice room tuwing weekends, well hindi naman kasama ang Sunday sa pag punta ko doon dahil nag sisimba kami tuwing Linggo.

Naka upo ako sa kama ko habang nag iisip ng susuotin ko sa pag punta ko sa school kung papayagan ako nila papa. Bumaba muna ako saglit para hanapin si papa. Yun palang dala-dala ni papa na box nung isang araw ay nag lalaman ng tulugan ni itim pati na rin pagkain nya. Binilhan rin ni papa si itim ng mga damit na ikinatawa namin nila mama dahil para daw nya itong ginagawa nyang sariling anak.

Dun na natutulog sa sala si itim sa tulugan na binili ni papa para sa kanya. Nagustuhan naman ni itim dahil agad nyang hinigaan ito.

Nang makababa ay nakita ko si papa na pinapakain si itim kasama si Red. Si mama ay nag huhugas ng pinagkainan namin kanina.

Lumapit ako kay papa, "Papa."

Tawag ko kay papa habang abalang-abala sa pagpapakain kay itim, inutusan nya muna sa red na bumili sa labas kaya naman makakausap ko si papa ng diretso.

"Ano yun anak?" Sagot ni papa habang nakatingin parin sa kumakain na si itim.

"Naalala nyo po ba yung sa sinasabi konh banda na ako ang magiging manager? Pag papaalam ko lang po sana kung pwede akong pumunta doon tuwing weekends, pero hindi naman po kasama ang Sunday hehe." Deretsahang sabi ko kay papa.

"Sige anak, maganda nga yan nang maranasan mo naman makipag halubilo sa mga kaedaran mo." Sagot ni papa sa akin.

Natuwa naman ako dahil pauag siya, nag paalam rin ako kay mama about sa pag punta ko doon pumayag rin naman ito kaagad. Tuwang-tuwa nga sila sa akin dahil raw natututunan ko nang makipag socialize kahit papaano.

Sa totoo lang, medyo naiilang pa ako at hindi sanay.

Naligo na ako at nag bihis pagkatapos namin mag tanghalian. Nag suot lang ako ng t-shirt na kulay black, jeans, sneakers, at belt bag. Cellphone at wallet lang naman ang dala-dala ko kaya yun nalang ginamit kong bag.

Bumaba na ako at nag paalam kila mama na aalis na. Sinabihan nila akong mag ingat habang si Red naman ay nag papabili sakin ng pasalubong pag uwi ko. Siraulo talaga kahit kailan.

Dinaanan ko muna yung convenience store na binilan ko kahapon. Naalala ko naman yung nangyare nang sinusundan pala ako ni Sheldon. Natawa ako nang maalalang Laura ang nabanggit nyang pangalan ko imbis na Laira.

Pumasok ako sa loob at bumili ulit ng mga junk foods, biscuits, at drinks. Marami ang binili ko ngayon dahil matagal-tagal kaming mag s-stay sa practice room.

Nang mabayaran ko ang mga pinamili ko, nag lakad na ako patungo sa school. Maaraw ngayon sana pala nag dala ako ng payong panangga sa init. Aircon naman sa practice room kaya okay lang rin.

Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng practice room, nadatnan ko doon sila Mark at Beatrice. Nang mapansin nila ako ngumiti sila.

"YES PAGKAIN NANAMA—" Hindi na natuloy ni Mark at Angelo ang pag sigaw nang pagbabatuhin sila ni Beatrice ng libro.

Natatawa akong nilapag ang mga pagkain at niyaya na sila. Kaagad namang sinunggaban nila Mark ito.

"Mga patay gutom hindi manlang kayo nag thank you." Sambit ni Beatrice at hinampas ang ulo nilang dalawa. Natawa naman ako.

Wala naman kaming ibang ginawa sa practice room, si Sheldon ay di parin sumisipot. Sabi nila sa akin na hayaan ko daw muna siya, at sangayon naman ako doon. Pagkatapos namin kumain ay nag review sila sa study room.

When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon