Chapter 5: The Beginning

4 0 0
                                    



"Sup?"

Sya yung lalakeng palaging bumibili ng gatas at nag vandalized ng pader nung nakaraan! Pilit kong inayos ang upo ko kahit na sa loob loob ko ay napagtanto kong sya pala si Sheldon.

Hay Laira! Bakit hindi mo manlang matandaan na sya pala yung vocalist na binasa mo sa records na binigay sayo ni Dean! Hindi talaga tugma yung mukha nya ngayon sa mukha nya sa picture na nakita ko sa records nya, ang laki ng pagbabago, kung sa picture ay malusog ang mukha nya at maayos na naka brush up ang buhok nya ngayon naman ay mukha itong pagod, payat, mahaba ang buhok at bagsak na para bang ilang linggo simula nang huli nyang suklay.

"H-hello." Sagot ko sa kanya nang hindi tumitingin.

"Laira ito nga pala si Sheldon, Sheldon ito nga pala si Laira— bagong.. manager natin." Sabat naman ni Beatrice na pilit akong sinasalba sa kahihiyan pero para bang nag alinlangan pa sya sabihin na ako ang bagong manager nila.

Hindi naman umimik si Sheldon at nakahiga lang habang naka pikit. Hinintay namin itong mag sakita pero wala kaming nakuhang kahit ani sagot.

Napabuntong hininga si Beatrice at bumalik sa pag sasalansan ng mga gamit sa locker habang sila Mark at Angelo ay pilit humanap ng pwede nilang gawin makaiwas lang sa sitwasyon. Ako naman ay hindi rin alam ang gagawin, biglang nag iba ang atmosphere sa loob ng practice room nang pumasok si Sheldon. It feels gloomy and sad.

I watched them do their thing while sitting beside the sleeping Sheldon. Pinagmasdan ko lang ito ulit, sa tuwing makikita ko sya ay bumibili sya ng gatas, tulala, mukhang pagod, o di kaya naman ay tulog. Wala akong ibang makita sa kanya kung 'di puro yun lang.

What's his problem? What's their problem? Banda lang naman ito na nawalan ng manager bakit kung umasta sila it's as if they lost something precious.

Naka upo lang ako doon for good 30 minutes, ayos lang sana na wala akong ibang ginagawa at ibang kinakusap, I don't know, it feels like I have to do something, I have to speak.

Tumikhim ako nang medyo malakas para mabaling sa akin ang atensyon nila at nakuha ko naman. Pwera dito kay Sheldon.

They paused, nakatingin lang sila sa akin waiting for me to speak. I literally don't know what to say I just feel like stealing their attention.

"U-uhm.. may p—," hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko bumalik nanaman sila sa ginagawa nila.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, ang akala ko kanina I'll get along with them easily, they're loud and bubbly kaya nadadala nila ako, pero kung ako lang ang magdadala ng conversation, hindi kaya. I don't even have friends, si Alex lang.

Wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay, kailangan ko lang ng pera kaya ko tinanggap na maging manager.

Nanahimik nalang ulit ako sa isang tabi habang iniisip kung ano bang dapat kong gawin. Napatingin ako kay Sheldon at halos pag pawisan nang makitang nakatingin ito sakin.

Umiwas ako ng tingin habang iniisip kung ilang minuto na ba syang naka tingin sakin. Halos ma-blanko ang isip ko dahil hindi ako sanay nang may nakatitig sa akin. Naco-conscious ako.

"Sino ka?" Rinig king tanong sa akin ng katabi kong si Sheldon. Ramdam kong nakatingin parin sya sakin kaya hindi ako gumalaw sa kinauupan ko.

Napansi ko rin na yung tatlong kaninang may ginagawa ay nakatingin na rin sa amin or sa akin dahil para naghihintay sila ng isasagot ko.

Hindi maipinta ang mga mukha nila, para bang isang maling salita lang na lumabas sa bibig ko eh tapos ang buhay ko. Si Beatrice ay kunwaring umiinom sa tumbler nya habang naka tingin at nag hihintay sa isasagot ko, sila Mark at Angelo naman ay pakamot-kamot na naghihintay rin ng sagot ko pero hindi makatingin sa gawi namin ng diretso.

When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon