Hi, to those who are reading this, this is quite a short chapter hihi. Thank you! I hope you're enjoying my story :)
Efferusly_Inked
___
Days had passed, hindi manlang namin nakita di Sheldon. Exams na ngayon kaya hindi kami masyadong nagkikita-kita nila Beatrice dahil pare-parehas kaming nag hahanda noong mga nakaraang araw.
Pagkatapos nitong examinations, hindi ko parin alam ang gagawin. Ano nang mangyayare sa practice pagkatapos nito? Ano nang dapat kong gawin? Ni hindi ko parin nakikita si Sheldon kahit sa canteen, vandalized wall, convenience store. I even checked some random places kung saan pwede syang tumambay.
I seriously don't know. This band can't continue without him, he's the life of it.
Nandito ako ngayon sa room, nag hihintay na matapos ang exam. I'm prepared kaya wala akong pinangangambahan na babagsak na subject ko. Mabuti nalang, because since I started hanging out with Musika, pakiramdam ko ang daming energy ko ang nawawala. I'm quite stressed. Maybe because I just don't know what to do, how to act, hindi ko talaga alam.
We really focused for 3 days dahil tatlong araw ang examination. Kahit na di Alex ay focused rin.
We still don't know what to do with Sheldon. I'm always thinking of ways kung paano sya mapapasama sa amin palagi but first I need to find that problematic guy. It's been almost 2 weeks since I last saw him. Pag hindi ko pa sya nahanap ay sasabihin ko na kila Beatrice na nakita ko sya noong nakaraan na linggo.
Kahit sila Beatrice ay kailangan ko pa rin makuha ang loob nila. They're setting barriers, pinapakita lang nila kung kung ano ang gusto nilang ipakita sa akin, ganun rin kapag mag kwekwento sila. Hindi man nila sabihin ay alam ko. That's what I hate about myself, because I'm an observant person, I notice everything. Even small things mapapansin at mapapansin ko.
I understand them since I'm a new person in their life. Nag iingat lang sila na wag maulit yung nangyare. Although, I'm not like her.
Nasa canteen ako naghihintay kay Alex dahil lunch time, wala sa sarili akong pumunta sa counter at bumili ng gatas na palaging iniinom ni Sheldon. I'm not a fan of milk, but I still decided to buy some.
Bumalik ako sa kinauupuan ko para hintayin ulit si Alex. Wala sa sarili akong sumipsip ng gatas habang nakatingin lang sa pintuan ng canteen.
Nang maubos ko ito ay nilapag ko ito sa table, napaka tagal dumating ni Alex kaya naman tumungo ako para ipikit saglit ang mata ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil nag puyat ako para basahin ang novel na binabasa ko online.
It's a romance story, although I'm not really into those kinds of books. Mas gusto ko ay yung mga fantasy.
Habang naka tungo ay naramdaman kong gumalaw ang table. I suspected it's Alex kaya naman ingat ko ang ulo ko.
Magrereklamo na sana ako na napaka tagal nya pero ibang tao nlang nakita ko sa harapan ko.
It's the person I'm dying to see this past 2 weeks. None other than Sheldon Klyde De Guzman.
He just sat there habang nakasalung baba at nakatingin sa akin. Aantok-antok parin ang itsura nito habang medyo naka ngiti. The I'm-sleepy-but-it's-fine,-wassup-smile.
Of course being myself, I don't know what to say. I don't know how to react. I just stared back at him maybe looking funny.
Wala sa sarili kong inangat ang kanang kamay ko at sinabing, "Hi."
He was a bit confused but the smiled when I said hi. He did the same thing, he raised his right hand and said hi to me.
Ganon lang kami for 5 minutes dahilan para matawa na sya sa akin. I mentally want to scream dahil sa kahihiyan. Ang awkward ko nalang palagi pag makikipag usap sa ibang taong hindi ko ka-close o kilala.
I straightly said these words to him na sana'y hindi ko nalang ginawa. "We've been looking for you, where have you been?"
He paused for a moment and just stared back at me. Now, without his smile. Matagal syang naka ganon dahilan para mapagmasdan ko sya nang matagal.
Mas humaba ang buhok nya, his eyebags were still healthy as ever, literally a human fatigue.
Hindi nag tagal ay sinagot na nya ang tanong ko. "I gathered enough strength to be here that's what matters, Laura."
I laughed.
Nagtataka syang nakatingin sa akin dahik tawa ako nang tawa. Siguro ay hindi nya alam na dahil mali ang sinasabi nyang pangalan ko kaya ako natatawa. Para syang nakatingin sa isang babaeng may saltik na tawa nang tawa.
"Laira ang pangalan ko hindi Laura, Laira Angelique Lopez." Tugon ko nang mahimasmasan ako katatawa.
Na-gets naman nya ang sinabi ko. Natigilan kami parehas as if finding the right words para sabihin sa isa't-isa.
I was waiting for him to talk and explain to me. I don't know but I feel like I need an explanation from him. He just stared at me which made me stare at him too, we battled until he decided to give up and talk.
"I wasn't feeling well, Laira." He said emphasizing my name.
Ginulo nito ang buhok nya habang bumubuntong hininga. I feel quite comfortable around him. I don't know, the vibe he's giving is just so comfy. It's like a hot lazy afternoon, chilling while sipping an iced coffee with waffles as a snack.
It's weird, but that's the vibe I'm getting, being this sleepy and tired quite suits him, although he's literally just a problematic guys who can't get over his ex.
Hinilamos nya ang kamay nya sa mukha nya, he was about to get up para yata layasan ako para bumili lang ng gatas nang mag salita ako bigla.
"Come with me after class." I said out of nowhere. Pinagalitan ko mentally ang sarili ko dahil feeling ko ay nag tunog manyak ako sa sinabi ko.
Muli syang napatingin sa akin, noong una ay parang pina-process nya pa kung ano ang sinabi ko. Maya-maya'y napalitan ng nakakalokong ngisi ang labi nya na mas lalo kong kinapula.
"To where, Miss? Neverland?" Aniya habang nilalapit ang mukha na mas lalo ko talagang ikapupula.
Umupo sya pabalik at ginawa ang palagi nyang pwesto sa tuwing uupo sya.
Hindi ko alam, pero sinabayan ko nalang bigla ang sinabi nya. I literally don't know where did I find my guts. Para bang ibang Laira ang sumapi sa akin.
Inilapit ko rin ang mukha ko, ginaya ko ang itsura nya. Nag salung baba ako habang nakatingin nang direkta sa mga mata nya at sinamahan ng mapanlokong ngisi. It's as if I'm telling him "Try me."
Right at this very moment, I know to myself everything won't be the same again.
"I'll take you to Neverland."
BINABASA MO ANG
When September Ends
Teen FictionLaira has a goal set, this is to finish school, and to find a stable job so she could give her family a comfortable life. That's all and nothing else. She never knew this new thing she's not used to would change all her perspectives in life, she nev...