After the small talk I had with Beatrice, we parted ways dahil mag co-commute pa sya habang ako naman ay walking distance ang bahay. We both said our goodbyes at sinabing magkita nalang ulit kami bukas sa practice room.While walking, muli ko nanamang naisip ang mga kwento sa akin ni Beatrice tungkol sa nakaraan nila at ni Sheldon. Nag sink in sakin ang lahat kung bakit ganon si Sheldon, palaging mukhang pagod, inaantok, walang gana, simply because he's still a prisoner of their past.
I can't blame him, siguro nga ay napaka sakit pa rin nun para sa kanya. Still, I don't get it. All those sufferings just because of one person? Sobrang iba talaga para sa akin ang mga ganyang bagay, I mean it doesn't make sense for me.
I'm starting to get curious kung bakit sila nag hiwalay, hindi sa panghihimasok. Nabanggit ni Beatrice sa akin na magkahawig daw kami ni Rye, ang dating manager nila. We may look the same pero para sa akin, we're totally the opposite of each other. Maingay sya, tahimik lang ako, she's friendly, I'm not si Alex lang ang tanging kaibigan ko. She seems approachable, and fun to be with based on Beatrice, habang ako? I'm not even close to that, my introverted ass' always there, I'm socially awkward, I'm not even good with people. A total opposite. I'm just an average person.
Nang makatawid ako, tinignan ko ang relo ko mag aalas sais na pala kaya binilisan ko na ang lakad ko dahil hindi rin ako nakapag paalam kila mama na medyo mahuhuli ako.
Nang makarating, agad akong nag mano kay mama, mamaya pang alas syete ang dating ni papa. Umakyat muna ako sa kwarto ko para mag bihis, pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko nakita ko naman si itim na pagulong gulong sa sahig dahil hinahabol-habol nito ang buntot nya.Natuwa ako sa ka-cute-an nya kaya naman lumapit ako at nilaro-laro muna sya bago ako mag bihis.
Pagkatapos kong mag bihis ay nag laptop muna ako saglit hanggang sa dumating si papa. Tinawag ako ni mama para sabayan na sila sa hapunan kaya naman bumaba na ako.
Nag mano ako kay papa, "Papa ako na po jan sa dala nyo."
Kinuha ko yung dala-dala ni papa na box, medyo may kalakihan ito kaya nagtaka ako kung anong laman. Nilapag ko ito sa gilid.
"Salamat anak, ang mama mo?" Tanong ni papa, sinagot ko naman ito kaya dumiretso na sya sa kusina kung nasaan si mama.
Sumunod na rin ako pagkatapos kong ibaba ang dala ni papa at saka nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mag linis ay mag handa na para sa pag tulog.
Masaya ako bumangon ngayong umaga dahil sa wakas ay Friday na, makakatulog na ako ng matagal-tagal.
Naghanda na ako para sa pag pasok ko sa school. Hinatid ulit kami ni papa na kinatuwa ko dahil sumakit ang paa ko kahapon sa paglalakad dahil sa sapatos na suot ko. Iniba ko naman na dahil mamayang pag uwi ko baka magkapaltos na ako.
Halos sabay lang kaming pumasok ni Alex sa school kaya sabay na rin kaming naglakad papunta sa classroom. Sinabi kong balak ko munang bumili sa canteen kaya sinamahan ako ni Alex. Medyo inaasahan kong makikita ulit si Sheldon na nakayuko ay natutulog o di kaya ay umiinom ulit ng gatas habang aantok-antok pero wala sya doon.
"Alex, may alam ka pa ba tungkol sa Musika?" Aniya ko kay Alex habang pabalik kami sa school.
Wala lang, bigla ko lang ulit naisip kaya tinanong ko si Alex baka kasi may alam sya.
"Umm..." Tinuro nya ang sentido nya na umaaktong nag iisip bago sumagot. "Ang alam ko, yung manager at vocalist nila ay naging mag "on." She said while literally quoting it.
Hindi na ako ulit nag tanong at tumango-tango nalang. Mukhang halos lahat ay alam ang tungkol dun. Ako lang pala ang hindi para tuloy akong napag iwanan na ng panahon.
BINABASA MO ANG
When September Ends
Teen FictionLaira has a goal set, this is to finish school, and to find a stable job so she could give her family a comfortable life. That's all and nothing else. She never knew this new thing she's not used to would change all her perspectives in life, she nev...