Makaraan ang ilang araw ay okay naman kami, hindi na masyado nalulungkot sila papa at mama ko dahil sa amin ni Red, palagi kasi kaming nagpapatawa ng kapatid ko, mostly ay si Red kaya walang araw na hindi kami tumatawa.Papasok na ako sa school ngayon, si Red naman nauna na dahil isa sya sa representative ng section nila. Mayroon yata silang aayusin kaya maagang nagising at umalis ng bahay. Ako naman ay gumagayak, katatapos lang din namin mag almusal nila mama at papa, ako nalang at si mama ang naiwan dahil pumasok na rin si papa.
Pag baba ko, nagpaalam na ako kay mama na aalis na. Walking distance lang naman ang pinapasukan kong school kaya hindi ko na kailangan pang mag commute, hindi kagaya ng kay Red na namamasahe pa dahil malayo-layo sa amin ang school nya.
Akmang liliko na sana ako para tumawid nang mapansin kong may kuting sa gilid ng basurahan sa may malapit sa tawiran. Hindi ko na sana pupuntahan pero kasi ang lakas ng iyak nito kaya napilitan akong tignan.
Natatakpan sya ng malaking garbage bag at takot na takot. Maliit pa yung pusa, kulay itim at madungis. Naawa ako kaya kinuha ko nalang, nagdadalawang isip pa nga ako kung iuuwi ko ba o dadalhin ko nalang sa school, tinignan ko ang relo ko, 8:25 palang 9:30 pa naman ang mismong pasok ko kaya tinakbo ko nalang ang bahay namin para maiuwi ang kuting na nakita ko.
Paniguradong matutuwa si Red dahil mahilig rin sya sa mga pusa kagaya ko. Namana namin ito kay papa dahil nag alaga na rin kami ng pusa noong maliit pa ako at kakapanganak palang ni Red. Sobrang hilig ni papa sa mga pusa kaya nahilig na rin kami ni Red.
Hingal na hingal kong tinawag si mama para ipakita ang dala-dala kong kuting. Napailing-iling si mama sa akin at manang-mana daw ako kay papa. Sinabi ni mama na sya na raw ang bahalang magpakain at linisan ang kuting kaya umalis na ulit ako para pumunta na ng school.
Nang makarating ay nakita ko naman si Alex sa labas ng gate na parang kanina pa may hinihintay. Nung nakita nya ako umaliwalas naman bigla ang mukha nya, dali-dali nya akong pinuntahan habang nagsisisigaw nanaman na parang manang na naniningil ng utang.
"Lai! May maganda akong balita mas maganda pa sakin hehe." Sabi nya habang sumasayaw-sayaw pa.
Natawa ako at tinanong kung ano iyon. "Ano nanaman yang balita mo, panibagong crush nanaman ba?"
"Hindi hmp, naalala mo yung banda natin sa school? Yung ano— ano na nga ba pangalan ng banda nil—" pinutol ko si Alex.
"Yung Musika ba? Hindi ba matagal na silang pinatigil ng school sa pagbabanda simula nung mawala yung manager nila?" Pagtatanong ko dahil ang alam nga ng halos lahat ng students hindi na sila babalik.
"Ayun! Oo nga, pero nag ha-hire na sila ngayon ng panibagong mag mamanage sa banda, ewan ko lang pero ang sabi-sabi ay swe-swelduhan naman daw ng school yung bagong mahahanap."
Napatahimik ako sa sinabi ni Alex dahil kailangan na kailangan ko ng pera ngayon. Pero ang hanap kong part time ay yung pang Saturday lang dahil nga may trabaho na ako sa convenience store.
"Magkano daw ba ang sweldo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayun din pala kaya ko sinabi sayo, diba kailangan mo ngayon ng extra? Ni-refer kita bilang manager nila hehe—" Gulat akong napatingin sa kanya dahil wala naman akong experience sa pagiging manager.
"Ha?! Eh— wala naman akong balak na sumali o maging manager tsaka isa pa may part time na ako dun sa convenience store—" Pagpuputol ni Alex.
"Lai, kung ako sayo itong pagiging manager nalang ang tanggapin mong part time at least nasa school ka lang at hindi mo na kailangan pang mapagod o magpuyat sa shift mo doon sa convenience store, baka magkasakit ka pa nyan dahil everyday ang trabaho mo doon. Kaya sige na tanggapin mo nalang 'tong pagiging manager at ako na ang bahala na kumausap doon sa covenience store na pinapasukan mo."
BINABASA MO ANG
When September Ends
Teen FictionLaira has a goal set, this is to finish school, and to find a stable job so she could give her family a comfortable life. That's all and nothing else. She never knew this new thing she's not used to would change all her perspectives in life, she nev...