Steve's POV
"Dude! Kelan daw babalik si Nelie?" Tanong sakin ni Elvin. Nasa bahay daw si Nelie ng bestfriend nya together with two close friends. Yon ang text nya sakin.
"Aba, malay ko don." Sagot ko sa kanya. Bakit ba palagi nyo nalang binabanggit sakin ang babaeng yon. Hindi ko sya gusto. Naiinis ako sa pagtawag tawag nya sa sakin.
Speaking of malandi, nagtext sya. Hindi daw nakauwi yung bestfriend nya kagabi sa bahay nila at isinugod daw sa hospital kaya hindi sya nakapag good night sakin, as if naman hininihintay ko,? Asa sya! .. Pero yung friend nya? Kaawa naman.
Well, wala parin akong pake pero biglang kumirot ang puso ko. I don't know why.
"Dude, anyare?" Tinuro ko lang ang puso ko na biglang kumirot. Hindi ko rin alam dito sa pusong to. "Pero dude, You know, sya ang girlfriend mo, si Nelie.. Yung kasama mo nung maaksidente ka." Sabi pa nya pero wala akong pake.
"Paano ko sya naging girlfriend kung ganon sya magdadamit huh? Hindi ganon yung type ko dude." Tinapik tapik ko ang balikat nya.
"Wala ka parin ba talagang maalala ah?" Siit naman ni Morris.
"Dude, kahit kayo pinagdududahan ko. Pero kapg sinabi ng parents ko, naniniwala ako." Totoo ang sinasabi ko.
Stranger parin sila sakin.
"Dude. Makaalala kana sana. Napakahirap samin na pinakikisamahan mo kami dahil sinabi lang ng magulang mo. Napakasakit samin na makitang pinagdududahan mo ang kilos naming lahat. Ang hirap i earn nung tiwala mo dude. Para kaming bumalik sa simula. Bakit si Dexter lang ang nakikilala mo? Unfair sakin yon. Samin ni Morris."
"Alam mo dude? Ang drama mo. Nakakainis." At napanganga sya sa sinabi ko.
"Dude, even the way you speak and the gestures, pati attitude mo hindi naman nagbago. I can see the old Steve paren. Pero syempre, mas gwapo na ngayon." Sabat naman ni Morris.
"Bakit? Ganito ako dati? As in walang nagbago ganon?" Taka ko silang lahat tinginan. Napatingin ako kay Dexter na kararating lang.
"Uy Dex. Join us. Nagluto si Manang ng meryenda." Sinalubong ko pa sya at iginiya paupo.
"Di na dre. Tapos na ako. Napadaan lang ako baka kase gustong mong gumala?" Saktong sakto.
"Oo, saan ba?" Sabi ko at excited na excited.
"Since kasi, umuwi ka from South Korea, alam kong hindi ka pinapalabas ng parents mo. So gala tayo ngayon. Wala naman sila diba?" Pagtatanong pa ni Dex at nagpalinga linga.
"Oo, wala sila. Next week pa babalik." Sabi ko naman. "Saan tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa school na lilipatan mo. Kung saan nag aaral ang dalawang mokong na to! At ako syempre!" Napakalawak ng ngiti nya.
"Malayo? I can bring a car." Pero nagiiling silang lahat.
"Dude. Ayaw ko pang mamatay." Saad ni Morris.
"Ayoko pa din. At ayoko ring magkaroon ng amnesia dude." Si Elvin.
"Hahaha! Mga gago! Syempre, hindi na yon mangyayari ulit." Sabi ni Dexter.
"Hindi na ba talaga dre?" Tanong ko kay Dex. Napatingin sya sakin na parang nag aalala.
"Hindi na dre." Pagsisigurado nya. Hindi ko alam pero si Dexter nalang ang maaasahan ko sa ngayon. Hindi ko tanda ang dalawang mokong na to sa buhay ko.
YOU ARE READING
Lover To Loser (On Going)
AcakMind can forget, but not the heart. You can lie but not forever.