Liñen's Mom POV
"Nasaan ang anak ko?" Bungad ko sa nurse station. Itinuro nila ang isang higaan na nakasarado ang kurtina.
"I'm sorry tita. Pero, nadala ko naman agad sya dito." Panimula ni Azdee sakin.
"Azdee. It's not your fault. Ganyan din ako nung bigla syang nagkaganyan. May naalala lang sya kaya ganon." Kita sa gilid ng mata ko at tumango tango sya. "Don't tell her, na nagpunta ako dito okay? Magagalit yan sakin e." Ngumiti ako sa kanya. Tiningnan ko si Liñen.
Nahihirapan sya. Nahihirapan sya sa nangyayari. Mas mabuti sigurong ibalik ko na sya sa Auckland para doon na tuluyang magpagaling. Papayag kaya sya?
"Tita? Magigising na sya mamaya lang. Kung ayaw nyong makita nya kayo, umalis na kayo. Ako na bahala sa kanya."
Tiningnan ko pa ulit si Liñen saka tinapik ang balikat ni Azdee.
"Thank you!" At umalis na ako. Pagkalabas ko ay nagulat ako sa nakikita ko.
Nakatayo sa harap ko ang taong mahal ng anak ko.
"Mama kayo ni Liñen?" Nagulat parin ako sa tanong nya pero naalala kong sinabi ni Liñen na hindi rin sya naaalala nito.
Sa tingin ko ay mas malala ang nangyari kay Steve.
"Oo, ako nga. Bakit?"
Naguguilt ako sa pinapakita nya. Napakinosente ng awra nya. Wala syang alam sa nangyari. Wala talaga.
"Wala naman po. Okay na ba po si Liñen?" Naaalala nya ang anak ko? Kilala na nya? Nakikita ko kasi sa mata nya ang pangungulila. Ang takot. Ang pangamba. Ang kaba. Ang kung anong parang pagpapahalaga sa taong tinatanong nya.
"Okay po ba sya, Mam?" Natauhan ako sa pagulit nya ng tanong.
Tumango lang ako at humakbang paalis. Pinigilan nya ako.
"Pwede po ba kayong makausap kahit saglit?" Mas kinabahan ako. Bakit kailangan naming mag usap? Tungkol saan?
"Sige." Kaya sumama ako sa kanya sa cafeteria.
"Pinagtitinginan kayo Mam." Hindi ako lumingon sa kanya.
"Sabihin mo na ang sasabihin mo. Mahalaga ang oras ko." Napanganga sya sa sinabi ko.
"Ano po si Liñen sa buhay ko? Bakit halos sya ang itinatanong sakin?" Mas nagulat ako. Sadyang wala syang naalala.
"Hijo, kung gusto mong makaalala, maghintay ka. Hindi mo pwedeng pilitin dahil mas nakakasama yan sayo. Pero sige, si Liñen ay Ex mo. At si Nelie ang babaeng kasintahan mo bago ka naaksidente. Hindi mo ba alam na ipinagpalit mo sya sa babaeng yon, sa babaeng bestfriend pa nya.." Isang kasinungalingan pa ulit ang nagawa ko. Bakit kailangan kong gawin to? Dahil gusto kong protektahan ang anak ko.
"Po?" Nangilid ang luha nya. Pasensya na Steve. Patawad. "salamat po." At umalis na sya. Tiningnan pa nya ulit ako, saka ngumiti. Ngiting kinahuhumalingan ng anak ko.
Pero sana, sana nga maniwala ka sa sinabi ko Steve. Pasensya na pero para rin ito sa anak ko.
Patawad Liñen. Patawad. Mahal kita, anak ko. Mahal na mahal. Pero ayaw ko lang na mawala ka ulit sakin ng dahil lang sa lalaking ito.
YOU ARE READING
Lover To Loser (On Going)
RastgeleMind can forget, but not the heart. You can lie but not forever.