Chapter #7: We're Classmates

4 2 0
                                    

Steve's POV

Maaga palang, nandito na ako sa room namin. Pumunta muna sina Elvin at Morris sa Cafeteria.

"In fairness uh? Maganda dito. Pero walang mas gaganda sa korea." Bulong ko sa sarili ko at tiningnan lahat ng laman ng bookshelves.

"Huy, Kuya Eve? Musta naba? Buti pala bumalik kana." Hindi ko kilala ang babae na ito pero cute sya ah.

"Ah? Sino ka?" Sabi ko naman at inalis ang kamay nyang pumulupot sa braso ko.

"Kuya? Isang taon ka lang nawala, nabarog ka ba? Omaygad! Nagkaamnesia ka dong!" Sabi pa nya. At hindi ko napigilan ang pagtili nya. Nakakarindi yon kaya tinalikuran ko na sya.

"Kuya, si Czhel to. Czhel Alcantara. Don't you remember me?" Umiling ako ng umiling. "Bakit sa dami mong makakalimutan, ako pa?" Pag tinis na naman ng boses nya.

"Eh, kuya si Ate Liñen ba? Nakita mo na ba?" Napatingin ako sa kanya. Liñen? Parang pamilyar. Parang narinig ko na yon. "Nandon sya sa Dean's Office. Saktong pagbalik mo, bumalik din sya." Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ko sya sa braso.

"Tell me, who is she in my life?"

Napanganga sya sa tinanong ko.

"Kuya, nakalimutan mo sya?" Hindi nya ako matingnan ng maayos ngayon. Inalis nya ang kamay ko sa braso nya. Nakita ko pang namumula yon.

"I'm sorry. I didn't mean to hurt you." Lalapit pa sana ako sa kanya pero humakbang na sya palayo sakin. Para syang natakot. Hawak hawak nya parin ang braso nyang mapula pula.

"She was your ---

"Cut it out, Czhel. How many times do I have to tell you that we are not involve in their situations?" Isang lalaki ang humawak sa magkabila nyang balikat.

"You shouldn't talk to him, right? Pinagusapan na natin to Czhel." Pinagsabihan pa sya ng isa pa nitong kasama.

"But, He need to remember." Malumanay na boses ang galing sa likuran ko. Kaya tiningnan ko ito pero halos hindi ko makita ang mata nya dahil sa salaming nakabalot sa mata nya.

"I'm Lery Alcantara. Sister of Czhel. May I remind you Steve, bumalik ka dito para mag aral. Hindi para maka---

"Kailangan kong makaalala. Dahil maaaring may naiwan ako dito na pwde kong pagsisihan sa huli."

Tumingin sakin si nerd, Lery, at tinaas ang kamay.

In just a second, nawala ang mga chismosa sa paligid namin at naiwan kaming lima.

"Simulan mo ng magsisi." Napanganga si Czhel at tumingin ng masama sa kapatid nya.

"Hoy! Lery! Anong karapatan mong utusan si Kuya ah? Hindi mo ba alam, may amnesia sya!"

"Oo, kaya nga nakalimutan ka nya. Ang ultimate tagapagtanggol mo, nakalimutan ka. Ang the best kuya mo, hindi ka tanda. Ang hinahangaan mong kuya, hindi ka kilala. In short, you are nobody to him." Napanganga ako sa sinabi ni Lery.

Ultimate tagapagtanggol? The Best kuya? Hinahangaan?

Kaya pala ganon sya umasta kanina.

Nagsisisi nga ako. Bakit hindi ko man lang sya naalala? Tapos nasaktan ko pa sya. Ano ba tong ginagawa ko?

Lover To Loser (On Going)Where stories live. Discover now